"Kai!" salubong ni Hazel sa akin nang buksan ko ang pinto ng aking kwarto.
Napataas ang pareho kong kilay sa gulat nang makita siya. Today is Sunday. Hindi ko alam na pupunta siya dito ngayon.
"Hindi ka nagmessage," saad ko. Bigla na lang kasi talaga siya pumunta rito.
Pumasok siya at isinara ang aking pintuan. "Sorry. I just wanted to check you. May pinuntahan pa ako kanina at dumiretso na ako rito. Okay ka na ba?"
Pinasadahan niya ang kabuoan ko.
I nodded. "Okay naman na."
Napatingin ako sa hawak niyang plastic kaya napatingin din siya sa tinitingnan ko.
"I bought food for us! Movie marathon tayo?" Nakangiting niyang sabi kaya wala na akong nagawa kung hindi ay tumango.
Ni-set up ni Hazel ang panunoorin namin. Pamilyar na siya sa kwarto ko dahil ilang beses na siyang nakapasok dito. Sa dalas ba naman niyang pumunta rito sa amin ay talagang ultimo gilid ng bahay ay alam niya. Nang matapos na siya sa pagseset-up ay sinamahan na niya ako rito sa aking kama. Kanina ay kumuha na rin ako ng plato, baso at pitsel na may juice para sa aming meryenda habang nanonood kami.
The movie started. It was a romantic movie. Hilig talaga ni Hazel na manood ng ganoong klaseng mga palabas.
"Kumain ka na ba ng lunch bago pumunta rito?" I asked as my eyes stared at the screen in front of us.
"Yes." Kinuha at binuksan niya ang pringles doon. "So..." she trailed off na nagpatingin sa akin sa kanya. "Anong nangyari kahapon noong wala ako? I was really shocked when I saw you on that situation. Hindi na ako nakapagtanong pa kagabi dahil sa taranta."
Agad na pumasok sa isipan ko ang mga nangyari kahapon.
I danced with Jaiden. I took a rest. I decided to go to the powder room. Then, boom... I was already on the ground, slipped that caused by the slippery floor! I was really careless dahil sa pagmamadali, I admit it. Masakit talaga ang pagkakabagsak ko kagabi and thankfully, hindi naman ako masyadong napuruhan nang malala. Thank you as well for that guy who helped me immediately upon he saw me in that painful position...
I bit my lower lip when I remembered something.
"Nadulas ako... Hindi ko napansin na basa ang sahig. Hinahanap ko kasi ang powder room..." Kumuha ako ng chips na dala niya.
"Sino 'yung lalaking nagdala sayo kahapon? Nataranta na ako nang nakita kita na buhat-buhat niya."
I twisted my lips. "Hindi ko siya kilala."
"Dapat tinanong mo ang pangalan!"
"Hindi ko na 'yun naisip. Ang nasa isip ko lang ay ang tawagan ka dahil nakakahiya na sa kanya. Buhat-buhat niya pa ako." Kumuha ulit ako ng chips at agad itong nginuya. "Hinahanap din kita kagabi. Nasaan ka ba?"
She giggled. "Nagsayaw. I met a guy."
Umismid ako at itinuon muli ang mga mata ko sa movie. "Bigla ka na lang nawala. Hindi ka man lang nagreply sa message ko."
"I was busy, no!" She laughed. "Hindi ko naman agad nakita ang message mo."
Nagsimula siyang ikwento sa akin ang mga nangyari sa kanya kagabi. Nakangiti pa siya habang nagkukwento sa akin. May nagsayaw daw sa kanya. Martin daw ang pangalan. Mukha naman daw mabait. He even add her on Facebook kaninang umaga. Nagkachat din daw sila kanina.
"Ang bilis n'ya naman..."
Hazel laughed at my remark.
Natapos namin ang movie at agad naman namin itong sinundan ng isang mystery movie. Sinimulan na rin naming kainin ang siomai na dala niya.
BINABASA MO ANG
Crashes and Slips
RomanceKaia Allison, a timid and soft-hearted girl already set her mind that she's contented on what she currently has. From making friends and socializing, she's contented on staying in her comfort zone. She knows to herself that not everything in this wo...
