My mind can't help but wonder what he said yesterday to me. This is the first time he'll take me out... somewhere. I don't know what to feel. It's a mix of emotions- excitement and nervousness. It's new to me dahil kaunti lang talaga ang nakaka-close ko. At kung may nakaka-close man ako ay nasa block lang iyon at karaniwan ay babae pa. I can't believe I just got close to a senior- a guy to be exact.
Hazel didn't miss to story tell what happened to them yesterday. Hanggang sa pagkikita naman ngayon ay hindi pa rin siya natigil dahil hindi naman daw buo ang naikwento n'ya kagabi. Ang meryenda nila ay nauwi sa pag-mu-movie marathon at hindi raw siya masyadong nag-enjoy doon dahil hindi raw niya gusto ang napili nilang genre. May karamihan daw ang inihandang snacks nila at bawi naman daw siya roon. Nakita ko nga rin ang ilang story patungkol doon. Mukhang malaki ang bahay nila Julie na may puting tema. Lima silang magkakasama including Hazel. Ang pinaka-close nga lang niya roon ay si Julie. Though, kaswal naman daw sila noong tatlo.
Naiwan ako mag-isa sa lamesa dahil umalis muna saglit si Zel para bumili ng kanyang pagkain. Hindi na ako sumama sa kanya dahil nagbaon naman ako ng omelet sandwich. I chewed my sandwich as I watched the students walked back and forth. It's break at hindi naman masyadong matao ang canteen ngayon. At dahil nga sa paglilibot ng aking paningin sa paligid ay hindi nakatakas sa akin ang isang pamilyar na bulto na nakaupo sa hindi kalayuan sa aming lamesa. I could see his face from where I was sitting dahil nakaharap siya sa gawi ko. I could even feel his dark aura even from a far dahil sa ekspresyon niyang blanko. He doesn't really look approachable at hindi ko alam kung bakit ko siya naka-close. He's hard to reach. Based from his physical aspects, masasabi mo na ang hirap-hirap lumapit sa kanya. He looks snobber and cold. Intimidating ang kanyang dating na talagang nag-compliment sa dark feautures at moreno niyang balat.
Nalipat ang aking paningin sa mga kasamahan niya sa lamesa at sa tingin ko ay group project iyon dahil ang ilan sa kanila ay may dala-dalang notebook at papel at kasalukuyan pang nagsusulat. He's just sitting there while his arms were crossed in front of his chest. Mukhang bagot pa siya sa kanyang kinauupuan. He just talked and watched his group mates.
Napanguso ako habang pinagmamasdan siya roon. Huwag naman sana siya pabuhat kung sakali...
Hindi ko napigilang panoorin siya roon hanggang sa huli na nang namalayan kong nakapukol na sa direksyon ko ang kanyang madidilim na kulay na mga mata. Sa akin ba siya nakatingin? Napatingin tuloy ako sa likod ko kung may tao roon dahil baka kako lumagpas lang sa akin ang kanyang tingin ngunit deadpoint na nga pala iyon dahil nasa dulong lamesa nga pala kami. Pinalobo ko ang aking bibig. I mentally facepalm because of that.
Nang bumalik ang aking paningin sa kanya ay bigla niyang itinaas sa harap niya ang kanyang phone. Parehong tumaas ang aking dalawang kilay nang iwagayway niya ito sandali sa akin. Kunot noo ko siyang tiningnan kaya ibinaba niya at may kung ano siyang binutingting doon.
My phone suddenly vibrated at parang may kung ano akong nahinuha sa ginawa niya kanina. Binuksan ko agad iyon at hindi nga ako nagkamali dahil may notification nga siya sa lockscreen ko.
Ian:
Break?Saglit ko siyang sinulyapan sa kanilang lamesa at nakitang nakatingin na ito sa akin bago ako nag-reply.
Ako:
Oo. Kaya nga ako kumakain.Tumingin ako sa kanya at bahagyang ipinakita sa kanya ang kinakain ko. He arched his brow before gazing at his phone. I saw how his lips slightly parted and turn into a small smirk.
Ian:
I could hear your innocent sarcastic voice here.Napanguso ako at hindi ko alam kung matatawa ba ako roon.
Ako:
Hala hindi ako namimilosopoHehe...
I added para magaan lang ang dating ng mensahe ko.

BINABASA MO ANG
Crashes and Slips
RomantikKaia Allison, a timid and soft-hearted girl already set her mind that she's contented on what she currently has. From making friends and socializing, she's contented on staying in her comfort zone. She knows to herself that not everything in this wo...