Kunot-noo kong pinagmamasdan ang letter na iyon dahil sa pagtataka matapos kong mabasa ang mensahe roon. Paulit-ulit kong binasa iyon. It doesn't have any indicated name here kaya clueless na clueless ko iyong pinagmamasdan.
Para kanino at saan naman kaya ito galing?
Maaga pa nang makarating ako sa campus kinabukasan. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid ngunit wala pa roon si Hazel. Inabala ko muna ang aking sarili sa pagsusulat ng lecture na hindi ko natapos kahapon habang hinihintay siya.
It might be for her, right? Siya kasi ang huling nanghiram ng notebook ko at baka naiipit niya lang iyon. It's impossible that the letter is for me dahil wala naman masyadong nakakakilala sa akin kumpara kay Hazel na maraming kakilala. I read the letter out of curiousity last night dahil na rin naka-tape pa iyon at mukhang hindi pa nabubuksan. It's suppose to be her privacy if ever it's hers.
Nahinto ako sa aking pagsusulat nang may napansing pamilyar na bulto sa aking gilid at hindi nga ako nagkamali nang makita roon si Hazel. Pinanood ko siyang hinihingal na ibinaba ang kanyang bag sa kanyang upuan. I glanced at my watch and my lips parted when I realized her hurriedness. Mahigit limang minuto na lang pala ay magsisimula na ang aming unang klase.
"Nagugutom na tuloy ako,"
Napabaling agad ako sa upuang nasa kaliwa ko nang marinig iyon at bumungad sa akin si Zel doon. Dala-dala pa niya ang kanyang maliit na salamin habang inaayos ang kanyang sarili. Nakipagpalit pala muna siya ng upuan sa totoong seatmate ko.
"Hindi ka nag-breakfast?" tanong ko.
Bumaling siya sa akin saglit bago ibinalik muli ang kanyang mga mata sa kanyang salamin.
"Wala na 'kong time. Na-late ako ng gising!"
Pinagmasdan ko siya ng ilang sandali roon bago may kung anong kinuha sa aking bag. Inilabas ko roon ang sandwich na hinanda ko para sana pangbaon ko mamayang break ngunit ibibigay ko na lamang ito sa kanya ngayon.
Inilahad ko iyon sa kanya kaya napahinto siya sa kanyang ginagawa. "Kainin mo na 'to," alok ko.
Tumaas ang pareho niyang kilay sa akin. "Baon mo?"
I hummed in response.
"'Wag na!" Sumilip siya sa kanyang relo. "Magta-time naman na."
I shook my head and insisted on her. "Kaya nga, magta-time na. Kainin mo na 'to habang wala pa," pilit ko at kinuha ko na ang kanyang kamay para roon na ilagay ang sandwich.
Sumimangot siya sa akin at kinuha na rin iyon. Alam kasi niyang minsan ay nagbabaon talaga ako dahil ayoko ring ma-hassle sa pagbili sa canteen. Marami at siksikan pa man din doon na nagpapatagal pa ng oras.
"Nga pala," I trailed off kaya napatingin siya sa akin habang may kung ano akong kinukuha sa aking bag.
Agad kong inilabas ang letter na inipit ko rin sa aking notebook para hindi ito malukot. Inilahad ko ito sa kanyang harapan. "Naiipit mo sa notebook ko kahapon. May letter ata para sayo. Sorry bigla kong nabuksan kagabi. Wala kasing nakalagay na pangalan para kanino. Na-curious lang ako..."
She creased her forehead and eyed the letter ridiculously. "Sayo 'yan."
My both brows raised and eventually it knitted out of confusion. "Sa 'kin? Walang nakalagay na pangalan."
She bit on the sandwich. "Wala ba? Pero sayo talaga 'yan. May nagpaabot lang."
"Ikaw nag-ipit?" She nodded in response. "Kanino galing?"
She shrugged. "May nag-abot sa akin pero 'yung taong 'yon, hindi pa s'ya. Hindi ko rin kilala 'yung mismong sender."
Mas lalong kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Bakit hindi man lang naglagay ng pangalan kahit 'yung mismong pangalan ko? Sure ba talagang para sa akin ito? Wala naman masyadong nakakakilala sa akin...
BINABASA MO ANG
Crashes and Slips
RomanceKaia Allison, a timid and soft-hearted girl already set her mind that she's contented on what she currently has. From making friends and socializing, she's contented on staying in her comfort zone. She knows to herself that not everything in this wo...
