Chapter 19

546 48 11
                                    

Pinagmasdan ko ang aking kabuoan sa harap ng salamin habang inilalandas ko ang aking mga kamay sa dress na suot ko ngayon. I'm wearing a white casual dress with small flowers design on it. Mayroon itong V neckline at hindi lalagpas ng tuhod ang haba nito. I applied a light make up on my face and also curled my hair to complete the package.

I gave myself a final look in the mirror before deciding to finally go for today's event. Nag-commute lang ako nang pumunta sa venue. A large crowd immediately welcomed my eyes as I went inside. Agad kong kinuha ang aking phone sa bag para tawagan si Hazel. It's really hard to find her amidst the crowd.

"Kai!" bati niya nang masagot niya ang kanyang phone, ilang ring lang ang nakalipas. "Nasaan ka na ba? Malapit nang magsimula!"

Luminga ako sa aking paligid, nagbabakasakaling makita siya. "Nandito na 'ko. Hindi lang kita makita. Nasaang pwesto ka ba?"

We took some minutes before we saw each other dahil sa dami ng tao rito. Agad niya akong hinila sa loob nang makalapit na siya sa akin.

"Hinahanap ka n'ya sa 'kin kanina. Like pagkakita na pagkakita sa 'kin, tinanong ka agad," she said upon we got a spot. She wiggled her brows to me at alam ko na agad ang gusto niyang ipahiwatig. 

She groaned when I pinched her waist. Bumawi naman siya ng hampas sa braso ko. "Ay sus!"

Nginiwian ko siya sandali dahil sa kanyang hampas ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil sa tinatagong ngiti ng aking mga labi nang marinig iyon.  "Kanina pa?"

She hummed and linked her arm to mine. "Ang tagal mo, alam mo ba 'yon?" Pinasadahan niya ako ng tingin at nagtaas ng kilay sa akin. "Ahh... binonggahan ang outfit today," makahulugan niya pang sabi.

Kinurot ko ulit siya sa kanyang tagiliran na agad naman niyang iniwasan. She laughed and even showed her tounge to me para mang-asar.

Pinasadahan ko rin ang kanyang kabuoan para tingnan ang kanyang suot. She's wearing a cordoroy skirt at her bottom while a black square neckline shirt for her top. Straight na straight pa ang kanyang buhok at halata ko iyon na nagplantsyapa siya dahil hindi naman ganoon ang normal niyang buhok.

"Parang s'ya hindi, ah..." bulaslas ko at sinamaan naman niya ako ng tingin na nauwi lang sa ngiti.

Saktong pagkasabi ko noon ang biglaang pagsalita ng taong nasa entablado ngayon. She's saying her introductory and I think the program will start now.

The graduating students started lining up based on their departments and honorable. Hindi pamilyar na mga mukha ang sumalubong sa amin habang nagsisimula na silang maglakad. May ilan din naman ako namumukhaang senior doon ngunit hindi ko na alam ang mga pangalan nila dahil sa dami ng populasyon.

Halos gadgets ang makikita mo sa paligid kapag inilibot mo ang iyong mga mata. People can't be missed this kind of event because it will just happen at a one-time. And now that they're already in college at their last level, this would be their last time to attend a school matter related. Despite all the tiring and no sleeping moments they had, it's all paid now. All the sacrifices they made were worth it because finally, the day that they most awaited is now here in their hands.

Itinaas na namin ni Hazel ang parehong phone namin nang makita si Martin sa malayo. Malayo pa lang ay ngiting-ngiti na ang katabi ko and she couldn't stop herself from squealing anymore when he's finally in front of us. I saw Martin turned his head on our direction, specifically to Hazel's spot to give her a smile. Hindi naman mapigil sa pagpindot ng sunod-sunod ang katabi ko nang dahil doon. I chuckled.

Ibinaba naman agad namin ang mga iyon nang matapos na si Martin dahil medyo malayo pa naman ang apelyido nito kay Davian at bandang gitna pa ang Navarro. Sa dami ng estudyante ay matagal talaga umusad kada letra ng apelyido.

Crashes and SlipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon