Chapter 06

875 83 30
                                    

The sun rays were piercing against my window, causing it to kiss my bare skin and lit up the darkness of my room. I can feel the heat coming from it. The heat that's not from an early morning anymore. The too much sunlight that brushes against my face made me dazzled for a moment. Lumukot ang aking mukha. Minulat ko ang aking mga mata at agad na natagpuan nito si Hazel na nasa bintana. Hinawi niya pala ang kurtina roon. I groaned. Itinaklob ko tuloy ang isang kong unan sa aking mukha.

"Kai! Gising na! Tirik na ang araw!" sigaw niya at ramdam ko ang paglapit niya sa aking kama. Hindi nga ako nagkamali dahil umupo pa siya sa gilid ko at nagyuyu-yugyog doon.

I turned to the other side of my bed para hindi ako magambala ni Zel ngunit hindi talaga siya natigil sa pagyuyugyog ng kama. She even stole the pillow that was covering my face. I groaned again and grabbed my other pillow ngunit agad naman niya iyon kinuha.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan niya lamang ako at hinampas pa ng unan. "Get up! Alam mo ba kung anong oras na?"

Umismid ako at tumingin sa wall clock kong hindi kalayuan. It says it's already past ten in the morning. Muli akong pumikit. Antok na antok pa rin ako. Feeling ko ay kulang pa rin ako sa tulog kahit na natulog naman ako ng mag-a-alas-diyes ng gabi.

"Ang akala ko, gising ka na pagdating ko. Nakahilata ka pa rin pala! Kaya pala hindi ka nagreply sa akin kanina,"

"Inaantok pa 'ko..." I mumbled while my eyes were still shut.

Muli siyang kumilos sa aking kama kaya gumalaw ito. "Bumangon ka na! Pinapagising ka na rin sa akin ni Tita."

I opened my eyes and rubbed it. Pagkatapos ay inunat ko rin ang aking katawan. Tiningnan ko si Zel na nakaprente nang nakaupo sa aking tabi. Nakasandal siya sa headboard ng aking kama habang may kung anong ginagawa sa kanyang cellphone. She's wearing a simple white shirt and maong short shorts.

I stretched my body once again before I decided to go to my bathroom. Kumuha na rin ako ng damit bago pumasok doon. Simpleng yellow shirt lang iyon at cotton shorts. I did my morning routine inside. Pagkatapos kong maligo ay nadatnan ko pa rin si Zel sa pwesto niyang iyon mula kanina. She was busy on her phone. Probably scrolling her social media accounts.

Pinapatuyo ko ang aking buhok habang nakaupo sa tapat ng salamin. "Wala ka atang dalang bag?" tanong ko nang mapansing kaninang wala siyang masyadong dala.

I looked at her through the mirror. She shook her head in response. "May damit pa ata akong natira rito."

Right. Mayroon siyang mga nakatabi na ilang mga damit dito. Sa dalas ba naman niyang pumunta rito sa amin ay minsan ay nag-iiwan na rin siya ng mga gamit niya rito sa aking kwarto para raw hindi hassle.

We treat each other like we're real sisters. May kapatid siyang babae na nagtatrabaho na ngayon habang ako naman ay only child. Magkaibigan na kami noong high school and of course until now. Like a usual scene, naging magkaklase kami noon. She was really friendly. Kadalasang siya ang unang nakikipagkaibigan. Madaldal kasi siya. Siya rin ang unang nag-approach noon sa akin. Doon kami nagsimula. I'm lucky that I have a person like her.

When lunch came, we both went down to the kitchen. Umalis si Mama saglit doon kaya kami na ang nag-ayos ni Zel ng lamesa. The table has more than two dishes. May nakita rin ako roong pasta na sa tingin ko ay dala-dala niya dahil naka-tupperware ito.

"Hindi mo kinuha 'to?" inosente kong tanong habang naglalagay ng kutsara't tinidor sa kada plato.

The latter put her right hand on her chest and looked at me ridiculously. "Grabe, huh? Bakit alam mo?"

Agad na umangat ang aking mga mata sa kanya at nanlaki pa ito sa gulat. Hindi na natuloy pa ang pagsasalita ko sana dahil bigla na lamang sumigaw si Mama na sa tingin ko ay nasa sala na kakain na raw. I saw Hazel laughed at my reaction so I gave her a glare.

Crashes and SlipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon