My mom is always modest and demure in her moves. She's a soft-spoken and kind-hearted person that my Papa told me what he made him fell about her. As their only child, shyness and reservedness became my twins since I was a kid. Sila na ang kasa-kasama ko kahit saan man at kahit saang oras pa iyan.
Socializing has been my enemy as I can't really keep up with it. Nasanay ako na mga pamilyar na mukha lamang ang aking mga nakakasalamuha. Though, may pagkakataon pa ring lumalabas ang kambal kong hiya kapag hindi ko masyado kalapit ang isang tao. Hindi ko magawang maging palakaibigan ang sarili ko. Nasanay ako... it's really hard for me to strike a conversation in any aspect especially in a complete stranger to me.
Kaya nang makasalubong ng mga mata ko ang pamilyar na hardin ng isang malaking bahay at nang matanaw ang ilang kakilalang mga tao roon ay hindi maiwasang lumusob sa akin ang pagkahiya. I clearly heard their voices and chitchats as I wander my eyes at the surroundings.
Pagkauwi ko sa bahay kahapon ay tumawag si Papa kay Mama. Sakto pa ngang pagkarating ko ay nag-uusap pa sila. He told me that Grandma invited us for a sudden dinner for today's night. Nagtaka pa ako noong una kung anong meron dahil hindi sila madalas magpatawag ng ganoon maliban na lamang kung may okasyon.
Ang sagot ni papa ay bumalik sa aking isipan nang marinig ko mismo ang iilang pagbati habang naglalakad kami papasok ng bahay. My eyes stayed at the people whose smiling while talking at the near porch. They seems happy to meet each other again. They're pretty close and how I wish to be like that to them...
"Oh, Kaia." My eyes immediately went to the woman who just called my name at kaagad na natagpuan n'on ang pamilyar na mukha ni Lola Remy.
Mabilis akong humakbang papunta sa kanya at ipinalupot ang aking mga braso para sa isang yakap.
"Kamusta po?" I asked when I loosened the hug.
"Mabuti." Her eyes examined my body. "Ngayon lang ulit kita nasilayan." Tumingin siya sa katabi ko. "Kayo ng mama mo."
I chuckled timidly. "Ngayon lang po ulit nagkaroon ng tiyansa na bumisita rito..."
Pinanood kong nagpalitan ng batian sina Mama at Lola Remy. I smiled as I averted my eyes to the surroundings. Wala naman masyadong nagbago pwera na lang siguro sa iilang halamang bago sa paningin ko rito. Dinama ng aking balat ang panghapong hangin dala ng pagsayaw ng mga puno. Nakikisabay ang suot kong bestida sa pag-indayog ng hangin. My eyes wandered to the landscape in front of me. Maalaga si Lola sa mga halaman. Isa nga sa kanyang mga hilig ang pag-aalalaga at pagtatanim nito kaya naman maganda kung mamulaklak ang kanyang mga bulaklak at halaman doon. Insects like butterflies are often flying around it that made the garden looks lovely and beautiful.
Malayo at magkaiba ang bayan ng bahay ni Lola sa amin. Nagkakataon lang na nabibisita kami rito kapag may mga patawag at handaan. Naging madalas ang dalaw namin dito noong nandito pa si Papa at bata pa ako. My mom is not that close to this family side but she still casually talks with them. Sa naoobserbahan ko rin ay hindi talaga sobrang palakausap nila isa't-isa. I know they had history. I heard it once when I was still a kid at nandidito pa si Papa.
Papa's family didn't like their relationship when they were young. Ang alam ko ay may gusto si Lola Remy para kay Papa but he already had a relationship back then which happened to be my Mom. Nangako kasi si Lola sa pagpapareto ng misteryong babaeng ito kay Papa ngunit wala talaga siyang interes dito. Ang nirereto pang babae noon ay nangyari pang kaibigan ni tita Brenda na kapatid ni Papa kaya botong-boto ito. Lubos na raw itong kilala at may angking yaman pa ang pamilya nito.
My heart ached whenever I heard playful remarks of my Aunt na binabalik pa ang nakaraan sa tuwing nagkakaproblema si Papa sa pinansyal. Hindi niya ugaling humingi kina Lola at ayaw pa niya ang ideyang iyon kaya iyon ang tumulak sa kanya para magtrabaho sa ibang bansa dahil hindi sapat ang kinikita rito. My mom was working in a small company na kalaunan ay naihinto rin niya dahil sa liit lamang ng kinikita roon kapalit ng mabigat at maghapong trabaho pa. Sa ngayon ay tinutulungan niya ang isang tita ko na pinsan ni Mama sa online business nito. Minsan naman ay nagbebenta siya ng mga sweets na gawa niya mismo na mabili sa kanyang page.
BINABASA MO ANG
Crashes and Slips
RomanceKaia Allison, a timid and soft-hearted girl already set her mind that she's contented on what she currently has. From making friends and socializing, she's contented on staying in her comfort zone. She knows to herself that not everything in this wo...