Tulad nga ng kanyang sinabi ay nagpunta kami sa lugar ni Martin. Condo building ata iyon base sa pagkakarinig ko sa kanilang usapan kanina. Napanguso na lamang ako nang si Davian na mismo ang kusang nagpalupot ng aking mga braso sa kanyang baywang bago kami tuluyang umalis doon sa bilyaran. Hindi naman na ako nag-react pa kahit umuusbong na naman ang hiya ko.
It's a long ride. Tanaw ko na ang papalubog na araw sa kalangitan. Nag-aagaw na ang kulay kahel at dilaw sa kaulapan. I bet it's already five. Ilang minuto pa ay huminto kami sa isang building na pakiramdam ko ay condo building na ni Martin. I watched Davian making call to his friend na kaagad namang sinagot. Narinig ko ang pagpapababa nito sa kanya dahil ayaw na raw niyang tumaas pa. Mukhang mataas pa ata ang unit nito.
Nakaupo kaming pareho sa motor habang hinihintay ito. Ilang saglit lang din ay nakita na rin namin si Martin na kalalabas lang ng exit building. He smiled at me upon he saw me. Nagawa pa niyang kumaway sa akin kaya ganoon din ang ginawa ko.
"I'll talk to him just a minute," biglang sabi ni Davian na kaagad kong tinanguan.
"Hintayin na lang kita rito..." He nods and that's his cue to get off the motorbike and walk toward his friend.
Pinanood ko sila roon na mag-usap sa harap ng building. I saw how Martin gave paperbag to Davian at tatatawa pa ito. The latter just frowned and said something base sa pagkakabuka ng kanyang bibig. Matipid iyon at hindi ko alam kung bakit nagawa pa ni Martin na itulak siyang pabiro habang ito ay natatawa pa.
Napatuwid at napaayos ako ng aking upo nang makitang papalapit na sa direksyon ko si Davian. Napalingon ako kay Martin na kasalukuyang nakangisi at nakahalukipkip. Mas lalong lumawak iyon nang makita akong nakatingin sa kanya.
"See you at the campus, Kaia! Enjoy!" he shouted.
I just smiled and nod awkwardly because of the confusion.
I heard Davian hissed at nakita ko na lamang na nasa harapan ko na pala siya at nakasakay na sa motorbike. "Don't mind him," he said before I felt him opening the engine.
Wala sa sariling napakapit agad ako sa kanyang baywang. Naramdaman ko ang agad niyang pag-aayos noon bago kami tuluyang umalis doon. My cheeks flushed when I looked at Martin's direction at nakita ko ang amuse niyang mukha.
Hala baka kung ano ang isipin n'ya... para naman 'to sa kaligtasan...
Nakisabay ulit sa hampas ng hangin ang aking buhok nang umaandar na kami. Malakas ang hangin dahil sa may kabilisan niyang patakbo. I think it's normal for him dahil mukang sanay na sanay na siya sa ganito. Motorbike pa lang din ang nakikita kong kasa-kasama niya.
"Are you hungry?"
"Ha?" I immediate response because of his sudden question.
Naramdaman ko ang pagbagal niya ng motor nang may nag-overtake.
"Nagmeryenda ka na ba kanina?" he asked.
I shook my head kahit na alam kong hindi niya ito makikita. "Hindi pa..."
"Does anyone in your home expect you to go home early today?"
"Wala naman..."
I saw him nod. "I'll take you somewhere. Let's eat something," he uttered before fasting the engine again.
Tumungo kami sa isang drive-thru. Akala ko nga ay doon talaga kami kakain ngunit hindi dahil dito na kami pumila. Wala naman masyadong sasakyang nakahanay doon kaya naging mabilis ang naging turn namin. Naglabas agad ako ng pera para pangbayad noong order ko. Hindi naman na siya tumutol pa at sabay niyang iniabot ang bayad namin sa kahera nang ibigay na sa amin ang aming in-order. It was chicken burgers, fries, sundaes and drinks. Ipinareha niya sa akin iyong sa kanya at siya lang ang nagdagdag ng sundae. Hindi ko alam kung saan namin kakainin iyon dahil take out.
BINABASA MO ANG
Crashes and Slips
RomanceKaia Allison, a timid and soft-hearted girl already set her mind that she's contented on what she currently has. From making friends and socializing, she's contented on staying in her comfort zone. She knows to herself that not everything in this wo...
