"Saan ka?" tanong ni Hazel habang inaayos niya ang kanyang gamit at isinisilid ito sa kanyang bag.
"D'yan-d'yan lang siguro,"
Isinukbit niya ang kanyang backpack sa balikat. "Mall? Para diretso ako sayo pagkatapos naming mag-meeting."
Vaccant namin ngayon at nagtawag ng meeting ang grupo nila Zel para sa isang project na ipapasa next week. Our group spent well the time class hour earlier kaya hindi na kami nag-set pa ng meeting.
Napanguso ako. Ang hassle naman dahil mamamasahe pa ako. Lalo pa s'ya dahil mukhang may balak siyang sumunod. Hindi naman niya hawak ang kanilang oras. Biyahe pa lang ay kakain na ng oras. Mapapagod lang s'ya sa kakabalik kung sakali dahil isang oras lang ang free time namin at may kasunod na subject na kami.
Umiling ako. "Isang oras lang naman free time. Sa field siguro?"
She nodded. "Sa lounge kami. Puntahan na lang kita kapag natapos kami agad."
Agad akong tumango at nagparte na kami ng daan nang lumabas kami ng silid. Binagtas ng aking mga paa ang pamilyar na daan papunta sa canteen. Bibili muna siguro ako ng makakain bago pumunta sa field dahil pasado alas-dos naman na. Tanaw ko ang ilang mga estudyante nang nasa canteen na ako. I even saw some of my blockmates there, sleeping, eating and chatting. Grupo-grupo sila roon na magkakaiba nga lang ng mga lamesa. I sighed. I don't have much friends on our block. Plain classmate lang talaga. Wala akong masyadong ka-close sa kanila dahil sa pagiging mahiyain kong makipag-usap. It's hard for me to build a long conversation with someone. Ewan ko ba. Mabilis ko atang mapatay ang isang usapan. Sa kabilang banda, ayoko rin namang ma-level-an ng 'feeling close'. Casual naman kaming nakakapag-usap-usap. May mga times din naman na nakakasama ako sa mga biruan kaya lang ay hanggang doon lang iyon. I'm just a really plain classmate or seatmate for them. Hindi talaga katulad ni Hazel na laging nandyaan despite of ups and downs. Though, It's still okay. Ayokong pilitin ang sarili ko kung hindi naman ako kumportable.
I ordered a plain biscuit and bottled juice. Mabilis lang iyon dahil hindi naman puno ang canteen at walang pila. My hair flew away from my face when the wind blew in my direction as I'm walking towards the campus field. Mainit ngunit napapawi naman ito kahit papaano ng hangin. Mas mahangin dito dahil open area at may mga puno sa paligid. Ang ganda nitong tingnan dahil sa likas na kulay berde na dala ng mga halaman.
Pinalibot ko ang aking mga mata upang maghanap ng silong. I saw a tree that's empty kaya agad na akong dumiretso roon para maupo. Ibinaba ko ang aking bag sa tabi at sumalampak sa damuhan. Masarap talaga tumambay dito lalo na kapag walang masyadong tao dahil tahimik at payapa ang paligid. Pagaspas lamang ng mga dahon dahil sa ihip ng hangin ang tanging maririnig mo.
Kinuha at nilabas ko sa aking bag ang notebook at pencil case ko. I was humming when I started scribbling on my notebook. Pinagpalit-palit ko ang ilang kulay ng aking pens para sa pagle-letter-ing. Even in just writting notes, hindi ko mapigilang mag-letter-ing dahil nakakaganda ito sa paningin lalo na't naka-organize pa ito. Hindi mahirap maghanap ng lessons at key words dahil mga naka-align ito. I even add doodles on it dahil nakakaengayo at nakakadagdag motivativation ito sa pagbabasa.
Magaan kong inilipat ang aking mga mata at wala sa sariling napatingin ako sa hindi kalayuang entrada ng field. Napatigil ako nang may nakita roon. Napaawang ang aking mga labi nang may nakita akong pamilyar na bulto na ngayon ay kasalukuyang naglalakad kasama ang isang babae sa kanyang gilid at dalawang lalaki sa kabila niya. Pamilyar ang dalawa roon dahil mukhang iyon din ang nakita ko noong pumunta ako kahapon sa kanilang room. I could see his emotionless face from here kahit na mukhang may mga sinasabi sa kanya ang mga kasamahan niya. He really looks intimidating even from a far.
Napanguso ako. Saan naman kaya ang punta nila... wala ba silang klase?
Napatagal ang panonood ko sa kanila at huli na nang mapansin kong nakatingin na si Davian sa direksyon ko. Napapikit-pikit ako at napasinghap nang makumpirmang sa akin nga siya nakatingin. Agad akong nag-iwas ng tingin at itinuon na lamang ang sarili sa panood ng mga puno at sa mga sumasayaw na mga dahon na nakikisabay sa indayog ng hangin. Sigurado akong nakita niya ako lalo pa't wala naman masyadong tao rito sa pwesto ko.

BINABASA MO ANG
Crashes and Slips
RomanceKaia Allison, a timid and soft-hearted girl already set her mind that she's contented on what she currently has. From making friends and socializing, she's contented on staying in her comfort zone. She knows to herself that not everything in this wo...