The orange hue of the afternoon is still visible when our last class ended today. It touches our skin as we went out of our room. We're walking on the shades of trees to minimize the hotness of the sun. Pauwi na kami ngayon. Diretso na ang uwi namin ngayon dahil mag-aayos pa kami bago pumunta sa party ni Julie.
Intrigang tiningnan ako ni Hazel nang makaalis ang dalawa. Nanliit ang kanyang mga mata sa akin habang kami ay naglalakad. Nakita niya ata iyong paghawak ni Davian sa buhok ko.
"Ano 'yon, ha?" usisa niya.
"Ang alin?" patay malisya kong tanong.
She smacked my left arm. "Nakita ko 'yon, ha?"
"Ang alin?" ulit ko.
"'Yung pahawak-hawak ni Davian ng buhok mo!"
"Nag-uusap lang kami, 'no..."
"Girl!" she reacted as if she's finding me ridiculous.
I hit her arm. "Ang ingay mo!" I whispered.
"Anong meron sa inyo?"
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang tanong. "Wala!"
Anong ibig niyang sabihin? May something sa amin? Ang layo sa katotohanan!
Nanliit ulit ang kanyang mga mata. "Weh?"
"Hazel!" saway ko.
"Nanliligaw sayo?"
I shook my head immediately. "Hindi! Magkaibigan lang kami."
Nagtaas lang siya ng kilay sa akin. "Kailan pa kayo naging close?"
"Dati pa..."
Tumaas ang pareho niyang kilay sa akin. "Dati pa, paanong dati pa?"
"Noong magkakasama na tayo..."
She looked at me ridicicously. "Ha? Hindi ko nga kayo nakikitang nagkakausap, e."
"Focus ka kasi kasi masyado kay Martin..."
"Hoy!" she hit me amusingly.
I sighed. Sabi na, maiintriga siya. Kapag ganyan siya ay ang dami niyang tanong at hindi mapakali!
"Anong oras ka pupunta kina Julie?" pag-iiba ko.
Tumingin siya sa kanyang relo. "Mga 5 o'clock siguro?"
Tumango-tango ako. Alas-tres at mahigit na rin at mga mag-aayos pa kami.
"Sasabay ka ba sa 'kin?"
"Maaga ka masyado, e."
"Hindi naman masyado. Pwede ka namang sumabay sa 'kin. Sunduin kita."
Umiling ako. "Huwag na. Magko-commute na lang ako... kahit hintayin mo na lang ako sa gate nila."
"Sure? Nasabi naman sayo ang address?"
I nodded at her. Ang village naman daw nila ay malapit lang sa university.
I bit my lower lip as I stared at my closet ilang minuto bago mag-ala-sais ng hapon. Nag-aayos na ako para sa party ni Julie at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong suotin. Wala kasi ako masyadong damit na pang-party dahil hindi naman ako pala-party na katulad ni Hazel. She's a social butterfly kaya marami ang nang-i-invite sa kanya. Nakapunta na ako sa mga bar parties pero hindi ko na alam ang huli n'on dahil matagal na iyon.
Sa huli ay napagdesisyon ko na lang na mag-jeans dahil baka matagalan pa ako sa kaiisip. I wore a black spaghetti strap na crop top at pinatungan ko ito ng isang denim jacket. High-waisted jeans naman ang pang-ibaba ko at nagpartner naman ako ng black 1 inch ankle strap heels para hindi ako masyadong magmukhang plain.

BINABASA MO ANG
Crashes and Slips
RomanceKaia Allison, a timid and soft-hearted girl already set her mind that she's contented on what she currently has. From making friends and socializing, she's contented on staying in her comfort zone. She knows to herself that not everything in this wo...