Chapter 20

489 39 11
                                        

Nakangiting tinatanaw ko ang mga lugar na nadadaanan ng kotseng sinasakyan namin ngayon. Maaliwalas ang panahon ngayon na ikinasaya ko. The weather is on its very good condition at mabuti na lang ay nagkataon rin sa lakad namin ngayon.

We're heading now to a beach that Davian was told yesterday. Madaling araw pa lamang ay umalis na kami para masulit namin ang araw ngayon. Bukas ay aalis na ang kanilang pamilya para pumunta sa probinsya ng kanyang lola. Roon daw sila magbabakasyon ngayon. Matagal pa ulit kami muling magkikita kaya lulubusin na raw namin ngayong araw ang pamamasyal. Kaya pala naging agaran nang sinabi niya ito sa akin kahapon.

"You sure you don't want to sleep? Nasa biyahe pa naman tayo," ani Davian nang sumilip ulit siya sa pwesto ko habang siya naman ay nagda-drive sa aking tabi.

Nakangiting umiling ako sa kanya. Gusto kong maramdaman na nandito siya sa tabi ko. I don't want to miss even this moment of him driving.

Tumingin siya sa kandungan ko kung nasaan ang ilang pagkaing binili namin sa drive-thru kanina. Napasulyap din ako roon sandali.

"Kumain ka na lang muna,"

Umiling ako. "Medyo busog pa 'ko. Ikaw ba? Baka nagugutom ka na?"

His lips twisted. "Susubuan mo ako?"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. He laughed when he saw my reaction.

"Kidding," wika niya at saglit na lumingon sa akin. "Can you give me the burger, then?"

Tumingin ako sa supot na nasa kandungan ko at kinuha ang burger doon. Tinitigan ko siya habang siya ay nagmamaneho pa rin. Kanina pa kami nasa biyahe at paniguradong nakakapagod ang magdrive nang malayo...

I silently open it and handed it to his direction. Saglit siyang lumingon sa akin at akmang kukuhanin na sana ang hawak ko nang ilayo ko ito sa kanya.

Tumaas ang kanyang kilay dahil sa ginawa ko.

"Subuan na lang kita," anang ko.

His lips parted at mukhang gulat pa sa aking sinabi. His eyes turned into an amusing one when he took a peek in my direction.

He chuckled. "I'm just kidding earlier. You don't have to do that, Kaia,"

Umiling ako at napanguso. "Kanina ka pa nagda-drive."

He shook his head slowly. "You're irresistible," mahinang bulong niya na narinig ko naman.

Bahagyang namula naman ako sa kanyang sinabi ngunit hindi ko na rin ito inalintana. I moved my hand towards his direction para makakagat na siya sa burger na hawak ko. He looked at me for a second with an amusement in his eyes before he took a bite of it. Aliw na aliw pa siya habang sinusubuan ko.

Ang matingkad na araw ay agad na humalik sa aking balat nang lumabas ako ng sasakyan. The wind blows my hair na sanhi ng pagkalat nito sa ere. Napapikit ako nang maramdaman iyon. Ang sariwang hangin ay nagpagaan ng aking damdamin, isama pa ang mga huni ng mga ibon sa paligid at ang amoy ng dagat na malapit sa amin. We're finally here in our destination.

Sabay kaming pumasok ng resort at ang malakas na hangin mula sa dagat ang lalong nagpasayaw sa floral beach dress na suot ko. Bahagya akong natawa nang hindi ako magkamayaw sa pag-aayos ng damit at buhok kong kasalukuyang lumilipad sa ere. Nang lingunan ko ang katabi ko ay nakatingin na pala ito sa akin.

Davian smiled at me. "Breakfast?"

Pinauna niya ako sa napili naming restaurant habang siya naman ay pumunta sa magiging silid namin. Pinabayaan ko na siyang ilapag ang mga gamit namin sa aming mga kwarto dahil siya na rin ang nag-volunteer. Hindi naman siya nagtagal doon at wala pa atang mahigit sampung minuto ay nakababa na siya rito sa restaurant.

Crashes and SlipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon