Chapter 05

903 85 42
                                        

Nang makapasok ako sasakyan ay tsaka ko pa lamang nakita ang mensahe sa akin ni Hazel nang buksan ko ang aking phone. She informed me that she's currently at the canteen at doon na raw akong dumiretso. Hindi na ako nag-reply pa sa kanyang text dahil magda-drive na ako patungong school at baka kanina pa iyon naghihintay sa akin.

I parked the car smoothly when I arrived at the campus. Kinuha ko ang mga pagkain na binili ko at pati na rin ang mga gamit ko bago ako nagpasyang lumabas na ng sasakyan.

I immediately spotted her when I got inside the canteen. Kaunti pa lamang ang mga estudyante roon nang libutin ko ang aking mga mata sa loob. Lumapit ako sa lamesa ni Hazel and her few papers and pens above her table immediately welcomed my eyes. Tumingala siya sa akin nang nakalapit na ako. Agad naman akong umupo sa salungat niyang silya at inilapag ang kanyang mga pagkain sa bakanteng parte ng lamesa bago itinulak ito papunta sa kanya.

She smiled widely upon saw it. "Thank you, Kai! Sagot ko na lunch mo mamaya!"

I absent-mindedly nodded at her. Pinanood ko siyang kumain sa aking harapan. Inalok pa niya ako ng kanyang pagkain ngunit inilingan ko lamang siya. I told her that I already ate my breakfast at home and even drank a hot chocolate I just bought from the fast-food chain earlier.

Napanguso ako nang may naalala. Hindi ko man lang napangalahatian 'yung mango pie ko...

"Tapos mo na?" I asked as I pointed out her written works when my eyes suddenly went there.

She nodded while sipping her hot coffee. "Yup."

"Sorry, natagalan..." ngiwi ko.

Ibinaba niya ang kanyang iniinom sa lamesa at nagsimula nang ayusin ang kanyang mga papel. "Ayos lang! At least ngayon, makakakain ako ng tuloy-tuloy,"

Tumango-tango ako at natahimik ulit. Nakatitig lang ako sa kanyang mga papel at kung hindi pa tataas ang mga mata ko sa kanya ay hindi ko mapapansing pinapanood niya pala ako. She's watching me cluelessly with her forehead creased.

"Anong meron? Bakit mukha kang lutang ngayon?"

My both brows raised. "Lutang?"

She nodded. "Oo. May nangyari ba?"

May kung anong pangyayari ang biglang naglaro sa aking isipan. My eyes widened as I quickly shook my head to her. Lalong kumunot ang noo ni Zel dahil sa aking naging aksyon na iyon. I'm still embarrassed about what happened earlier. Nahihiya rin akong ikwento iyong insidente ko kanina... hindi naman dapat ika-big deal iyon kaya huwag na lang din...

She finds me weird as we headed to our first class this morning. When I'm already sitting on my chair, I shook my head to take away what I am thinking for me to focus on myself in the class.

When lunch came, Hazel kept what she said earlier. Siya nga ang nagbayad ng aking kakaining pananghalian and she was also the one who bought lunch for us. Binilhan niya rin ako ng lemonade na hindi ko na ikinatutol pa dahil kasama raw iyon sa package.

"May sinabi pala sa akin si Mama kagabi," saad ko.

She glanced at me and raised both eyebrows. "Ano 'yun?"

"Tumawag ka raw kahapon at sinabing mag-ii-sleep over ka sa amin bukas... inunahan mo na talaga..."

Tumango siya. "Yup! Surprise!" she said and grinned.

Tumawa siya nang pabiro akong umismid. Close sila Mama at Hazel. Madalas siyang pumupunta sa amin dahil nabo-bored daw siya sa kanilang bahay. We often do watching movies at home. Minsan naman, nagta-try din kami na magluto o gumawa ng meryenda.

"Don't worry, magdadala ako ng foods. Dadamihan ko. Kukupit ako sa ref namin," wika niya sabay hagikhik.

Hinampas ko naman agad siya dahil sa kanyang biro na lalo lang nagpatawa sa kanya. May isang beses kasi siyang nakwento sa akin na nagtalo raw sila ng ate niya dahil kinuha raw niya iyong buong lasagna na binili nito nang walang paalam. Nadala kasi iyon ni Zel sa amin at iyon ang kinain namin noong isang beses na nag-movie marathon kami. Wala naman akong kamalay-malay noon na basta lang pala niya iyon kinuha. Akala ko pa nga noong una ay gawa niya iyon. Okay lang naman daw kumuha ngunit buong tapperware naman ang kinuha ni Zel. Tawang-tawa naman iyong huli nang i-kwento niya iyon sa akin lalo pa't naghabulan pa raw sila ng ate n'ya dahil gusto raw nitong hilahin ang buhok niya.

Crashes and SlipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon