"Happy birthday, Julie!"
Ang mga salitang iyon ay kanina pa namumutawi sa classroom nang makalabas ang huling prof namin para sa araw na ito. Uwian na ngunit abala pa rin kami sa pagtapos ng activity na iniwan niya sa amin dahil ngayong uwian lang ang pasahan noon.
"Thank you! Punta kayo bukas, ha." Rinig kong wika niya pabalik sa kanyang kausap.
Today is Thursday and it's Julie's birthday. Noong nakaraang linggo ay sinabihan na kami nito na pumunta sa magiging party niya bukas. Itinaon daw niya iyong biyernes para kinabukasan ay sabado. Paniguradong hang-over ang unang mararamdaman mo pagkagising kaya raw ay napagpasyahan na biyernes na lang ito iraos.
"Anong oras ba bukas?" tanong ni Hazel na katabi lang ng inuupuan ko.
Itinuloy ko ang pagsasagot sa aking papel. Patapos na ako at hindi ko alam kung marami na ang tapos dahil sa ingay ng klase.
"6 o'clock. Huwag n'yong kalimutan iyong regalo ko,"
Narinig ko ang biglaang pagtawa ng ilan.
"Hindi pala 'ko pupunta. Wala akong regalo," saad ni Hazel na tinawanan naman ni Julie.
"Ayokong mawawala ka sa party ko! Pupunta ka,"
Tumawa ang huli at hindi ko na narinig pa ang ilan nilang pinag-uusapan dahil itinuon ko na ang aking pansin sa activity.
It took me more than ten minutes before I finally answered it all. I heaved a sigh upon I wrote the last letter from a word in my answer. Pagkatapos ay sinimulan ko nang ligpitin isa-isa ang mga gamit ko upang isilid na iyon sa loob ng aking bag. Tumayo ako nang matapos kaya napatingin sa akin Hazel, marahil ay naramdaman niya ang aking presensya.
"Magpapasa ka na?" tanong niya.
I nodded. "Tapos ka na?"
Umiling siya. "Matatapos na 'ko."
I nodded again. "Ipapasa ko muna itong papel ko at saka magpapa-xerox din."
"Sige, hintayin kita rito."
Tumango ako sa kanyang sinabi at tumungo na sa pintuan upang lumabas. Hindi pa ako nakakalayo mula roon nang may bigla na lamang tumawag sa pangalan ko. Napalingon agad ako sa pinanggalingan n'on.
"Julie," ani ko nang makita siya.
Ngumiti siya at lumapit sa akin.
"Happy birthday ulit," wika ko.
She chuckled. "Thank you, Kaia."
Tumikhim ako. "Ano nga pala 'yon? May kailangan ka ba?" tanong ko.
She nodded. "Oo sana. Saan ba ang punta mo?"
"Uh, sa faculty. Magpapasa ako nitong papel saka magpapa-xerox pa ng notes. Bakit?"
May kinuha siya sa kanyang bulsa at pinanood ko siyang maglabas ng pitaka roon. "Magpapabili sana ako sa canteen. Okay lang ba?"
I nodded. "Sige. Ano ba 'yon?"
She asked me to buy her foods. She listed it to me at kaagad naman akong tumango sa kanya nang makuha ko ang mga iyon.
"Thank you, Kaia! Sorry naabala pa kita," aniya.
Umiling ako. "Ayos lang..."
Ngumiti siya. "Punta ka bukas, ha. Sumabay ka kay Hazel!"
I smiled back and nodded at her.
Tumungo muna ako sa faculty gaya ng sinabi ko para magpasa ng aking activity paper. Maraming nagpapasa roon na katulad ko ngunit hindi naman ako masyadong nahirapan sa paghahanap sa prof namin. Sunod naman ay tumungo ako sa xerox-an at nakitang medyo marami pala ang nagpapa-xerox ngayon. Naghintay pa ako roon ng ilang minuto bago sa akin ang naisalang. Habang naghihintay ay wala sa sariling inilibot ko ang aking paningin sa paligid at sa hindi ine-expect na pagkakataon ay may nahagip ang aking mga mata na pamilyar na mukha sa gilid, hindi kalayuan sa aking kinatatayuan. Kasalukuyan siyang may kung anong inaayos na mga papel doon kaya ang kanyang side-view na mukha lamang ang nakikita ko. Hindi ako pwedeng magkamali. I didn't expect that I would see him here at the campus. Ngayon ko lang siya personal na napansin. Posible naman sigurong nagkakalandas kami ngunit marahil ay hindi pa namin kilala ang isa't-isa.

BINABASA MO ANG
Crashes and Slips
RomanceKaia Allison, a timid and soft-hearted girl already set her mind that she's contented on what she currently has. From making friends and socializing, she's contented on staying in her comfort zone. She knows to herself that not everything in this wo...