Chapter 18

580 48 10
                                        

"Mauna ka na?"

Ramdam ko ang biglaang pagkatigil ni Davian mula sa paglalaro ng buhok ko na nasa likod ngayon habang siya ay nakasandal sa kanyang kinauupuan.

It's lunchtime and we're currently in the lounge. Pagkatapos kumain kina 'Nay Emma ay dumiretso na kami rito dahil sa gawaing ginagawa ko. Hindi na kami tumuloy sa canteen dahil mas marami ang tao roon dahil katanghalian. Napagpasyahan naming dito ko na lang ituloy iyon kaysa roon sa kariderya para at least ay hindi na kami masyadong maggagahol sa oras dahil nakapasok na kami ng campus at pupunta na lamang sa classroom kapag time na.

Maaga ang naging uwian namin ni Hazel kanina kaya kami ang nauna sa karinderya. Humabol naman ang dalawa dahil alas-dose ang kanilang uwian. Kung kanina ay tatlo silang kasama ko, ngayon ay si Davian na lang dahil may binili pa sa labas sina Hazel at Martin.

"Hmm?" I heard him asked nang lumingon ako sa aking likod.

Kasalukuyan kasi akong nakadukdok sa lamesa dahil sa sinusulat na gawain ko ngayon. Mas gusto ko ang ganoong posisyon dahil nakakapagpokus ako.

"Mauna ka na sa klase mo. Baka ma-late ka pa," ani ko at itinuon ulit ang aking sarili sa sinusulat.

Nakita ko sa aking gilid ang pagyuko niya habang nakataas ang kanyang kaliwang braso, marahil ay tiningnan ang kanyang relo. Ilang segundo lang ay kaagad kong naramdaman ang pagbalik niya ng kamay sa aking buhok upang laruin ito.

"Hindi pa. Gusto ko pa rito," sagot niya.

"Mabobored ka lang dito..."

I heard him chuckled at kasabay n'on ang pagpalumbaba niya sa lamesa at pagdantay ng kanyang braso sa silyang kinauupuan ko.

"Who says I'll be bore here? As if,"

Kumibot ang aking kilay at lihim na napanguso.

"I'm fascinated on your hand writting," he said out of the blue kaya napalingon ako sa kanya na kasalukuyan ngayong nakatingin sa ginagawa ko.

Inilipat naman niya agad ang paningin sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"Ang ganda ng sulat mo," dugtong pa niya kaya napanguso na ako.

"Thanks..." mahina kong sabi and he chuckled.

Hindi ko na lamang siya tiningnan dahil mukhang nag-iinit pa ata ang aking mga pisingi.

"Ikaw din siguro?"

Umani iyon ng halakhak mula sa kanya kaya nilingon ko ulit siya.

"Huwag mo nang tanungin," ngising tugon niya.

Tumagal ng ganoon ang kanyang pwesto. He busied himself watching me writing at ramdam na ramdam ko iyon kahit na hindi ko na siya lingunin pa.

I heaved a sighed when I'm finally done with it. Napasandal ako sa aking silya at ramdam ko ang kaginhawaan n'on nang lumapat na ang likod ko roon. My back is aching!

Wala sa sarili kong hinawakan ang kalyo sa aking kamay pagkatapos dahil sa sakit na nararamdaman doon. Puro written works kami kaya gamitin ang kamay. Hindi nga lang maiwasan ang magkakalyo sa dami ng kailangang isulat.

"Masakit?"

My gaze went to Davian na kanina pa pala nakapalumbaba roon sa lamesa at pinapanood ako. I just felt his hand now on the back of my sit na kanina pa pala nakaakbay doon.

Tumango ako. "Nadidiin kasi sa pagsusulat," I answered and continue massaging my finger.

Nakita ko ang biglaan niyang pagsandal sa kanyang upuan kaya magkalapit na ulit kami. Naramdaman ko rin ang pag-alis ng akbay niya sa likod ng silya ko bago kinuha ang aking kanang kamay.

Crashes and SlipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon