Chapter 08

834 79 28
                                    

My lips parted. Hindi kaagad ako nakapagsalita.

Ano ba ang dapat kong sabihin doon...

Umiwas  na lamang ako ng tingin at saktong pagkatingin ko sa aking relo ay magta-time na para sa panghapon kong klase kaya agad na rin akong nagpaalam. Hindi siya natinag. Ramdam ko ang malalim niyang pagtingin sa akin habang nag-aayos ako ng gamit doon. His stares could melt anyone in an instance. Masyadong malalim... may kung ano roon na hindi ko maipaliwanag. 

Kaya ayokong napupunta sa akin ang mga mata niya...

Halos limang minuto na lamang ay magsisimula na ang klase nang dumating si Hazel sa classroom. Umupo agad siya sa tabi ko at kung ano-ano na agad ang kanyang tinanong sa akin.

"Paano mo s'ya natunton? Ang laki ng university,"

I bit my lower lip. How should I answer it? Una ko s'yang nakita in actual sa cafe noong magyaya silang kumain nila Martin. Day after, bigla-bigla ko na lang ulit siya nakikita. Parang naging aware na ako tungkol sa kanya kahit hindi pa ako sigurado noon kung siya ba iyong Ian na hinahanap ko.  I never thought I would crossed paths with him again. Will she believe that after that meeting, he just popped out of nowhere so often? 

"Nagkikita ba kayo?"

Mabilis akong napalingon sa kanyang tanong. Mukha naman iyong inosente.

I shook my head immediately. "Hindi... bakit mo natanong?"

Tumaas ang kanyang kilay sa akin. "Wala lang... feeling ko lang matagal na kayong nagkikita. Hindi mo lang naku-kwento."

Anong ibig niyang sabihin?

Para akong nasamid kahit na hindi naman ako umiinom. Hindi ko tuloy napigilang mamula nang maisip ang mga iyon. Biglaan lang naman iyon. Bigla lang talagang nagkukrus ang landas namin... Hindi naman sa nag-uusap kami para magkita talaga. Baka iba ang isipin niya.

I went out of our room as the warm wind of afternoon welcomed me. Tirik na tirik pa ang araw dahil tanghaling tapat ngayon. I can't help but to squinted my eyes to protect my eyes from too much hotness brought by the sun habang nanonood sa mga dumadaan. Ang init nito sa mata maski sa balat kahit na nakasilong naman ako malapit sa aming silid.

"Kaia,"

Nalipat ang lukot kong mukha sa taong bigla na lamang nagsalita sa aking gilid. Nawala ang pagkakunot ng aking mukha nang may sumalubong sa akin na pamilyar ang mukha. Hindi lang isa iyon kung hindi ay dalawa nang may nakita akong naksunod dito na kasalukuyang kumakain ng lollipop habang tamad na naglalakad.

"Martin..." bati ko na nginitian niya.

Saglit siyang luminga sa aming classroom. "Si Hazel?"

"Nag-CR lang sandali..."

Hinihintay ko ngayon si Zel dito sa labas ng classroom dahil sabi niya ay sasaglit lang daw s'ya sa CR. Lunch na ngayon at hindi na ako nag-expect pa na sasabay silang dalawa ngayong araw dahil hindi na sila sumabay pa kahapon. Akala ko isang beses lang...

He nodded. Napatingin ako sa kanyang likuran at kaagad kong naabutan ang tingin sa akin ni Davian Navarro. Katulad nga ng nakita ko kanina ay may subo-subo siyang lollipop at pinaglalaruan niya ito. Nakasukbit sa kanyang balikat ang kanyang bag at ang kanyang libreng kamay naman ang nakapasok sa kanyang bulsa. His hair is kinda messy at may mga hibla ng kanyang mga buhok ang tumatakip sa kanyang noo. 

Umiwas ako ng tingin.

"Sasabay ulit kami. Okay lang ba?" tanong ni Martin.

Mabilis akong tumango. "Oo naman..."

Crashes and SlipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon