Days passed at madala na kaming magkasama-samang apat. Masyado nang busy ang lahat lalo na ang mga 4th year students dahil exam week na nila ngayon. Maski kami rin nina Hazel ay pudpodna sa gawain dahil kami naman ang may nalalapit na exam. Gan'on kasi talaga. Kapag malapit na ang exams ay d'on na magsisidating ang tambak na gawain isama pa ang agad-agad na dealine ng mga iyon.
"Pwede bang magpahinga muna?"
Nalipat kaagad ang aking paningin kay Hazel na nasa aking tabi nang masalita ito. I watched her stretched her body before she leans on her seat.
"Grabe, baon na baon tayo sa gawain. Parang hindi ata nauubos!" dugtong pa niya.
We're currently spending our vacant, finishing our requirements here in the library. Wala kasing sumipot na prof ngayong umaga kaya nagkaroon kami ng vacant time ngayon. Kaysa sayangin at magliwaliw lang ay nagtatapos na lang kami ng mga gawain lalo pa't ang iba rito ay ipapasa na. I really don't want to run off time dahil ako lang din ang mahihirapan at iiyak sa huli.
"Hindi na tuloy tayo nagkakasamang apat..." she trailed off.
Tumaas ang kilay ko. "Tayong apat nga ba iniisp mo..." pang-iinis ko.
Hindi napigilang lumabas ang ngiti niya sa labi at nagawa niya pa akong hampasin. "Shh! I-general ko muna para hindi halatang miss ko na s'ya. Eme!"
I laughed and shook my head. Mukha naman kasi talagang may something na sa kanilang dalawa ni Martin.
"Hindi ba kayo nagkita kahapon?"
"Nagkita! Pero sandali lang 'yon. Sinamahan n'ya rin naman ako sa bookstore dahilan para makita ko kayong dalawa ni Ian..." Tumaas ang pareho niyang kilay. "Magkasama pala kayo kahapon?"
Suminghap ako at kunwari'y magsusulat ulit. "May binili lang. Bigla lang kami nagkita sa labas ng campus. S'ya naman ang nag-insist..." Yumuko ako upang magsulat. "Hindi kita nakita?"
"Syempre busy kayong dalawa..."
Agad akong nag-angat ng ulo at sinamaan siya ng tingin dahil may tono iyon ng paglalaro.
She laughed. "Ano? Busy naman talaga kayong magtingin-tingin ng supplies doon! Ano pa bang ginagawa roon sa bookstore?"
Hinampas ko siya sa kanyang braso na mas lalo n'yang ikinatawa. Maya-maya ay umiling siya. "Oo, ship ko kayong dalawa, ha. Pero! hindi naman kita pipilitang magustuhan mo s'ya. Let yourself unlock the true feelings. Kahit mapa-positive or negative pa 'yan, gora lang!"
Napanguso ako sa kanyang sinabi. I feel the different feelings when I'm with him. Ibang-iba s'ya sa ibang mga nakakasalamuha ko. Should I consider it?
She suddenly stretched her arms once again kaya naagaw niya ang atensyon ko. "Pagod na talaga 'ko!"
"Magpahinga ka muna." Napaangat ang dalawang kilay niya sa aking sinabi. "Huwag mong pwersahin ang sarili mo. Short rest won't be bad ika nga."
I'm taking the advice of Davian. Kapag talaga napi-feel ko na mabu-burn-out na ako, tinitigilan ko muna iyong ginagawa ko at talagang nagpapahinga ako. Paano ko matatapos iyong mga gagawin ko kung pababayaan ko naman ang sarili ko? Isa pa, hindi rin maganda ang maaring maging kalalabasan ng gawain ko kung wala na ako sa sarili.
"Coming from my masipag kong bff..." She gave me a teasing smile.
Napanguso ako. "May nagsabi lang... hindi rin natin matatapos ang mga gawain natin kung sorang burn out tayo."
"Iba talaga, eh! Ganyan dapat!"
Hinampas ko siya sa kanyang braso na ikinatawa n'ya.
"Take that advice of someone. Ikaw ang mahilig mag-overwork, eh!"

BINABASA MO ANG
Crashes and Slips
RomansaKaia Allison, a timid and soft-hearted girl already set her mind that she's contented on what she currently has. From making friends and socializing, she's contented on staying in her comfort zone. She knows to herself that not everything in this wo...