Chapter 07

862 77 30
                                        

"My birthday is in next week. Punta ka, ha? Dapat nandoon ka," rinig kong sabi ng isang ka-blockmate namin kay Hazel na nakaupo lang sa tabi nito.

I can't help but to heard what they're talking about when I finally finished doing my seat work. Maagang umalis ang prof namin ngunit iniwan naman niya sa amin itong gawain na kailangan ding ipasa within the day.

Napatingin ako sa dalawang nag-uusap na malapit lang sa akin. Lumipat ulit si Zel ng upuan at tumabi sa akin at kakadating naman ni Julie rito sa pwesto namin. Medyo close silang dalawa. Hazel is really friendly kaya marami siyang ka-close hindi lang rito sa aming block at pati na rin mapaibang block at program pa.

Julie's pretty face suddenly turned in my direction. Bigla naman akong nahiya dahil baka akalaing nakikinig ako sa usapan nila kaya agad akong nag-iwas ng tingin at sinimulang ligpitin ang aking mga gamit na wari'y wala lang nangyari.

"Hi, Kaia," she suddenly greeted na ikinaangat ko ng mukha.

I smiled awkwardly and nod at her to acknowledge her presence.

"Punta ka rin. Para sumama talaga 'tong si Hazel," she added and chuckled.

Nagparte naman ang aking mga labi at napataas ang aking parehong kilay. Pagkatapos ay nahihiyang ngumiti at tumango ako. "Sige."

She smiled and turned to Hazel. "Okay na, ha? Punta ka. Hahanapan kita ng gwapo r'on!"

Umismid ang huli na tinawanan naman ni Julie na may kasama pang hampas sa braso nito. "Hindi naman iyon ang habol ko," sagot ni Zel.

"Sus, kunwari ka pa! Dapat may regalo na kapalit 'yon!"

Nagkrus ng braso ang kaibigan ko. "E 'di huwag na lang,"

Julie laughed before she stood up. "I'm expecting you on my party!" she said and did a flying kiss before he walked away from our seats.

"Hindi ka bibili?" Tanong ko nang kami na lamang dalawa dahil balak ko sanang sabay na lamang kaming bumili ng ire-regalo. Nakakahiya naman kung hindi ako magbibigay...

"Bibili. Baka nga mag-expect ang babaitang 'yon,"

I chuckled and nodded. Tuluyan ko nang inayos ang aking mga gamit dahil lunch na rin. Hindi pa tapos si Zel noong sa kanya ngunit napaligpit na rin siya dahil sa canteen niya na lang daw iyon itutuloy. Tumayo na ako at kinuha na ang aking mga gamit. Wala sa sariling lumipat ang aking paningin sa labas at napataas ang aking kilay nang may nakitang pamilyar na mukha roon.

Humarap ako kay Hazel. "Sabay ba kayong mag-lunch ni Martin?" tanong ko na nagpaangat ng kanyang ulo mula sa kanyang pagliligpit.

Tumaas din ang kanyang dalawang kilay. "Ha?" Inosente niyang tanong pabalik. She shook her head. "Wala naman siyang sinabi sa akin."

"Nasa labas si Martin..."

Kunot-noo siyang lumingon sa labas at agad na nagparte ang kanyang mga labi marahil sa nakita.

"Wala naman s'yang sinabi?"

I shrugged. Naghadali na siya ngayon sa kanyang pagliligpit at agad niya akong hinila palabas nang makatayo siya.

"Lunch?" salubong na tanong ni Martin kay Hazel nang makalabas kami ng aming silid.

"Hindi ka nag-message!" I heard Zel say.

Martin just chuckled at her. "Nasa klase ka pa kanina. Baka mag-reply ka pa."

Tumaas ang kilay ng aking kaibigan. "Well... talaga."

Mas lalong natawa ang lalaki dahil sa kanyang tinuran. Napanguso ako at unti-unti akong umatras para bigyan sila ng privacy.

Kumain na lang kaya ako mag-isa? Araw-araw ko rin namang kasabay si Zel...

Crashes and SlipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon