Chapter 17

573 52 16
                                        

Ian:
Hey, we're on 'Nay Emma's eatery. Good luck again with your exams.

Basa ko sa kanyang mensahe pagkalabas namin sa aming room para sa huling subject ng finals namin. It was sent 2 hours ago at mag-tatlong oras na nga ito. Ibig bang sabihin ay kanina pa sila naroon?

"Nasa kina 'Nay Emma raw sila," I informed Hazel.

Tumango siya. "Nag-message rin sa 'kin si Mart. Kanina pa ata sila naroon."

Tumango ako. Agad kaming dumiretso sa nasabing kainan pagkalabas namin ng campus.

Last day na ng finals namin ngayong araw habang sina Davian naman ay nagpa-practice na para sa kanilang graduation. Siguro ay wala silang practice o napaaga ang kanilang uwian ngayon kaya nandito na agad sila kanina pa. Ngayon lang ulit kami nagkasama-sama ulit dahil nga sa naging exams.

Hindi masyadong matao ang kainan nang pumasok kami sa loob kaya natanaw agad namin ang dalawa. Magkahaparan sina Martin at Davian ngunit ang huli ay nakadukdok ang ulo sa ibabaw ng lamesa. Lumapit agad kami sa dalawa at agad naman kaming nahanap ng paningin ni Martin. Nakita kong siniko niya ang lalaki sa kanyang harapan.

"Hmmm," I heard him moan as I sat next to him.

Agad kong inilingan si Martin to signal him to stop waking Davian up at agad naman niya itong nakuha.

"Kanina pa kayo?" tanong ni Zel.

Tumango ang katabi niya. "Wala kaming practice ngayon."

"Kanina pa ba s'ya tulog?" tukoy ka kay Davian.

"Oo. Ang sabi n'ya iiglip lang daw s'ya. Mukhang napahaba ata ang tulog,"

I chuckled and moved my gaze to the man who's sleeping peacefully beside me. Pagod siguro dahil na rin sa nagdaang finals nila at completion ng kanilang requirements.

"Kamusta ang exams?"

"Naiinis ako sa last subject namin. 'Yung iba ata r'on, wala sa notes!" mahinang maktol ni Zel dahil ayaw niyang maggambala ang mahimbing na natutulog na nasa tabi ko. Natawa naman kaming pareho ni Martin sa kanyang hinaing.

"Diba?" tanong niya sa akin. "Hinulaan ko lang tuloy!"

Tumango-tango ako. Maski ako ay hindi alam ang mga items na iyon. Swertihan na lang talaga sa mga nahulaan.

Agad kaming napatigil sa aming mga upuan nang biglang umahon mula sa pagkakadukdok sa lamesa si Davian. Papungas-pungas pa siyang sumandal sa kanyang kinauupuan at bumaling sa akin.

"You're already here,"

Agad akong tumango. Bumaling naman agad siya sa lalaking nasa kanyang harapan.

"Hindi mo 'ko ginising," simangot niyang sabi kay Martin.

"Ginising kita! Siniko pa nga kita pero natulog ka ulit," depensa naman ng huli.

"Pinatigil ko si Martin sa paggising sayo. Inaantok ka pa kasi," singit ko.

Tumingin siya sa akin at pagkatapos ay pumikit ng mariin bago yumuko habang kinukusot ang kanyang mga mata.

"I can still spend time sleeping in my room but not spending time with you personally,"

My lips parted at his sudden words. Nag-iinit ang aking pisngi nang tiningnan ko ang dalawa sa aming harapan. I'm sure that they heard it dahil sa mapang-asar na tingin sa akin si Zel ngayon! Sinipa ko tuloy ang kanyang paa sa ilalim ng lamesa para tumigil siya.

Kailan ba ako masasanay sa mga ganito ni Davian? He can flutter my heart without doing any effort!

Nagpahinga ako ng umaga nang mag-weekend at noong hapon ko naman itunuloy ang mga gawaing naiwan ko. Hindi rin kasi maganda na pwersahin ang sarili lalo pa't alam mo sa sarili mo na kailangang-kailangan mo ng pahinga. On the other hand, stress and tiredness may affect your tasks kaya mas magandang may nailalaan kang oras ng pahinga kahit sandali lang.

Crashes and SlipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon