Chapter 14

686 62 17
                                    

I felt the dizziness inside my head upon I opened my eyes. Ngiwi kong kinuha ang aking phone sa lamesang kalapit ng aking kama nang tumunog ito. Niliitan ko ang aking mga mata upang mas makita iyon. Hazel is calling me.

"Hmm?" I hummed on the other line, asking her why did she call.

"Kagigising mo lang?" rinig kong gulat na tanong niya.

"Oo, bakit?" paos kong tanong.

"Tanghali na kasi. Nauna pa pala akong magising sayo," saad niya.

"Ang sakit ng ulo ko," I whispered while my eyes are still closed.

She sighed. "Tumawag ako para kamustahin ka. Gusto ko sanang puntahan kita riyan kaya lang hanggang ngayon ay may hang-over pa rin ako."

"Naparami ka ng inom?"

"Sakto lang naman. Ikaw ba? Marami ka bang nainom? Bagsak ka na noong nakita kita, ah,"

I hummed. "Nahihilo na rin ako..."

"Hindi na kita mahagilap kagabi! Kung saan-saan ka yata nagpupupunta,"

I chuckled. "Mababagot ako kapag nanatili lang ako roon sa pwesto natin..."

"You should have at least told me! Ginugulat mo 'ko! Tapos hindi ka pa nagrereply,"

Natawa ulit ako at napanguso. "Sorry na..."

I heard her sigh on the other line. "Ano, marami ka bang nainom? Mababa pa naman ang alcohol tolerence mo."

"Hmm... nakalagpas apat na baso ata ako? Iba pa 'yung ininom ko sa red cup na binigay noong ka-blockmate natin... 'yung mga nagpapa-shot kada makikita nila? Napainom ka ba 'dun?"

"Oo pero straight 'yon, ah?"

I hummed and even nod my head while my eyes are close kahit na hindi naman n'ya ito nakikita.

I heard her clicked her tongue. "Sana pala binigyan na kita ng maiinom mo bago ako umalis. Hinanapan sana kita ng mababang percentage."

I chuckled. "Anong oras ka na nakauwi kagabi?"

"Anong 'anong oras'? Magkasabay kaya tayo umuwi kagabi!"

Napakunot ang noo ko. "Nauna ako sayo kagabi, diba?"

"Oo, nauna kang umalis kina Julie pero sabay kaya tayong umuwi! Hindi mo naaalala?"

Napadilat at napaisip ako bigla kaya kaagad akong umupo at sumandal sa headboard ng kama. I grant in pain because of my headache.

"Kumain ka na tapos uminom ka na rin ng gamot!" wika ni Hazel nang marinig iyon.

"Opo..." sagot ko habang hawak-hawak ang aking noo.

Inaalala ko ang mga nangyari kagabi. Some scenes yesterday night are vivid to me. Nakasama ko ang isa kong kaklase sa pagsayaw. I remembered it's Steven. I got a chance to have a talk with him which I enjoyed. May mga nalaman ako sa kanya na hindi ko ine-expect. Pagkatapos n'on ay nakisabay kami sa alon ng mga tao. Nakailang inom ako habang sumasabay ang katawan ko sa ritmo ng kanta. Hindi ko alam kung anong oras na noong nagpagpasyahan kong umuwi. May naalala akong nagpunta muna akong 7/11 mag-isa upang sumaglit sana hanggang sa nabunggo ko si Davian sa entrance nito. Binili niya ako ng makakain na mainit para mabawasan ang hilo ko. May mga pinag-usapan kami na hindi ko na masyadong maalala. The last thing I remembered was when I went on a nap and it was before I heard Davian's words. It was not that clear to me because of the sleepy state I was feeling. I just kinda understand it... somehow.

"Hello? Nandiyan ka pa ba?"

My thoughts immediately vanished when I heard Hazel on the other line. I forgot that we're still on the call!

Crashes and SlipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon