Chapter 03

1K 138 64
                                        

Does he know me?

Ayan ang kusang pumapasok sa aking isipan sa tuwing natutulala at wala akong iniisip. The way he kept glancing at me back then made half of my mind think that he at least know me and of course, the other half is just assuming and imagining things.

I still could feel the embarrassment when I suddenly feel intimidated about him that made me avoid and nervous towards him kaya hindi na natuloy pa ang plano kong magpasalamat sa kanya. Kung kailan nandoon na ako sa sitwasyon ay 'saka pa ako maiilang at mahihiya. I already imagined myself doing it, pero hindi ko naman nagawa nang totoo!

"Thank you," I said when Hazel bought me a snack. She smiled and sat in front of me. 

I'm kinda busy right now. May tinatapos akong isulat na kailangan agad maipasa mamayang hapon. Kakabigay lang noon kanina kaya kaunting oras na lang ang mayroon ako. Napanguso ako. Gusto ko nang matapos agad ito.

Habang nagsusulat ako ay hindi ko mapigiling mapalingon kay Hazel na nakaupo sa aking tapat na kasalukuyang may binubutingting sa kanyang cellphone. Hindi niya ako kinakausap dahil ayaw niya raw akong ma-distract mula sa ginagawa ko but her giggles and laughs were already distracting me. I sighed mentally. Alam ko na agad ang ginagawa niya. Kausap niya si Martin. Araw-araw ata silang magkausap na dalawa.

Mabuti na lang ay natapos ko ang gawain ko nang matapos na ang break. When lunchtime came, Hazel immediately pulled me in the canteen. Dito kami madalas kumain dahil tingin namin ay ma-hassle kung lalabas pa kami dahil madalas pa naman doon ay punuan. Maghihintay pa roon kung sakali kaya dito na lang kami sa loob ng campus para hindi gagahulin kapag papasok na sa klase. 

I drank my pineapple juice as I listened to her sudden complaint. Hindi niya raw kasi ito maikwento sa akin kanina dahil busy pa raw ako. "Nakakainis! Nabili na 'yung dress, Kai!" she said and pouted.

She was talking about the dress that we saw at the mall last time. It was a red v-neck spaghetti dress at sabi niya raw sa kanyang sarili ay babalikan niya iyon ngunit nang binalikan niya naman ito kahapon ay wala na. Maganda raw sana ang dress na iyon at mukhang bagay pa naman daw ito sa kanya. 

Pumunta siyang mall kahapon? I have a feeling that she didn't go there alone.

"Marami pa namang ibang magagandang damit, Zel. Try mo 'yung iba? O kaya hintayin mo na lang ulit magkaroon ng stock kung gustong-gusto mo talaga," suhestiyon ko. Mahilig kasi talaga siyang mamili ng mga damit kaya kawalan niya ito. 

She pouted. 

"You two dated?" pag-iiba ko.

Nawala ang lungkot sa kanyang mukha dahil sa biglaan kong tanong. I saw how her lips twisted to suppress her smile na tila alam niya kung sino ang tinutukoy ko. "Nag-aya lang kumain si Martin kahapon..."

Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"Totoo!" dugtong pa niya.

"Parang ganoon din 'yon, ah?" asar ko. She was too obvious kapag kinikilig. Nangingiti agad siya.

She giggled.

"By the way," she suddenly butts in after drinking her drink. Nalipat agad sa kanyang ang mga mata ko mula sa pagkakatingin nito sa papel na sinusulatan ko. "Tinanong ka nga pala sa akin ni T kahapon," she said that made me confused.

My forehead creased. "T?"

"Duh! 'Yung kasama ni Martin noong nakaraan! The one who was sitting beside you."

My lips parted when I remembered it. Oh, it's Tristen as far as I remember. 

Tumango-tango naman ako. "Bakit ako tinatanong?"

Crashes and SlipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon