"Class dismissed."
Nagsitayuan ang mga kaklase ko at kanya-kanya na sila sa pag-alis ng silid nang lumabas na ang aming prof. Inayos ko ang mga gamit ko at agad na inilagay ang mga ito sa loob ng aking bag. Isinukbit ko ito nang matapos na ako at tsaka umalis na.
Agad na nakita ng mga mata ko si Hazel sa gilid ng aming room nang makalabas na ako. Nakayuko siya habang abala siya sa kanyang phone. Lumapit ako sa kanya at kung hindi ko pa siya kakalabitin ay hindi pa niya ako mapapansin sa kanyang gilid. Nagpaalamkasi siyang magrestroom kanina kaya nauna siyang lumabas.
She gave me a smile before we headed at the cafeteria. Marami ang tao ngayon dito. Mabuti na lamang ay may naabutan pa kaming bakanteng lamesa. Ako na ang bumili ng makakakain namin dahil busy pa rin siya sa pagkalikot ng kanyang phone.
Inilapag ko ang fries at burger na binili ko para sa kanya sa lamesa kaya napaangat na siya ng tingin sa akin. "Thank you, Kai!" she said as I sat on my chair.
"Busy ka diyan sa cellphone mo," puna ko at kumagat sa aking burger at tiningnan ko na rin ang aking phone.
"Yup. Ka-chat ko si Martin." She answered and giggled. Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi.
"Nagkita na ba kayo sa personal ngayon?"
Umiling siya. "Hindi pa pero nagbabalak kami," aniya at nagtaas-baba ng kanyang mga kilay sa akin. She then twisted her lips at halatang-halata sa kanyang mukha ang kanyang pagkakilig.
"Tell me immediately if you're going somewhere with him para hindi na ako maghanap sayo sa kung saan-saan. Bigla-bigla ka na lang kasi nawawala."
Napatawa siya sa aking sinabi na nginiwian ko naman. Magugulat na lang kasi ako minsan dahil bigla na lang siyang nawawala! Nalilimutan daw niyang magtext minsan.
Pagkatapos ng break ay nagtungo na kami sa susunod na klase. Mabuti na lang ay walang masyadong ibinigay na mga gawain ngayon at puro discussion lamang ang nangyari.
Nagsabay ulit kaming mag-lunch ni Hazel at nagkayayaan naman kami ngayong uwian sa mall. Nagpapasama siya sa akin dahil may bibilhin siya sa isang bookstore.
Humiwalay ako kay Zel pagkapasok namin sa bookstore. Nagtungo siya sa mga papel samantalang tumungo naman ako sa section ng mga libro, nagbabakasakaling may magustuhan doon.
"May bibilhin ka ba?" rinig kong tanong ni Hazel sa likuran ko ilang minuto ang lumipas.
I turned my head to her at nakita kong may laman na ang kanyang cart na dala. Agad akong umiling sa kanya kaya nagpasya na kaming pumunta sa counter para mabayaran niya na ang kanyang mga pinamili. Hindi naman masyadong mahaba ang pila kaya agad din kaming natapos.
Hazel immediately pulled my hand as we went out of the bookstore. Nagyayaya naman siyang magwindow shopping ngayon. Pumasok kami sa isang boutique at tumingin-tingin doon ng ilang damit. The boutique has new arrivals of clothes and by that, I saw how Hazel pouted while she's looking at some new dresses there. I even heard her mumbled something, na sana raw ay dinala niya ang pera niya ngayon. Sakto lang daw kasi ang dala niyang pera.
Umalis kami roon sa boutique nang nakanguso siya. Tumingin-tingin na lamang kami kahit na nasa labas ng mga boutique. I know she's tempted to buy clothes kaya hindi ko na siya hinayaan pang pumasok sa mga iyon.
Nang mapagod na kami sa kalalakad ay napagpasyahan na naming kumain. She brought me to a cafe and we immediately found a vacant table when we got inside. Nang dumating na ang order namin ay tsaka naman nagsimulang magkwento si Hazel ng kung ano. I sighed mentally. Madaldal siya at maraming kwento. Hindi siya mauubusan.
![](https://img.wattpad.com/cover/70738042-288-k305136.jpg)
BINABASA MO ANG
Crashes and Slips
RomansaKaia Allison, a timid and soft-hearted girl already set her mind that she's contented on what she currently has. From making friends and socializing, she's contented on staying in her comfort zone. She knows to herself that not everything in this wo...