Chapter Three- Friends

69 11 0
                                    

Zsarena's Point of View

Hindi ko na lang pinansin yung naisip ko. Masyado lang sigurong malabo ang mata ko kaya naging kamukha niya yung katabi ni Diana.

Tumayo siya tapos nag-apir muna silang dalawa bago siya pumunta sa harapan. Best friends?

"Hi everyone. I'm Alyssa Reyes and I'm 13 years old."

"You're going to sing, right?" Alam ni miss ang gagawin niya?

"Of course, miss. That's my talent, afterall." Wow, proud si ateng, ah.

"Okay, then. Show us what a back-to-back-to-back champion is capable of." Back-to-back-to-back champion?! Saan?!

Ngumiti lang siya sa sinabi ni miss. Anong champion sinasabi ms. Sam? Matanong nga tong katabi ko.

"Farah, anong sinasabi ni miss?"

"Ah... Di mo nga pala alam. Si Aly, best friend ni Diana at ang top 2 ng batch, ay three straight years nang nag-chachampion sa CIU Best of the Best Amateur Singing Contest."

"Ang haba ng title ng contest, ah. May best of the best pa."

"Ah, kasi ganito yon... Ang CIU Best of the Best ay isang activity sa school na kung saan nagaganap ang iba't ibang contests. Parang cultural festival ito pero ang labanan ay by batch at hindi by club. Umaabot ito ng tatlong araw. Sa first day, nagaganap ang cooking contest at acting contest. Sa second day naman nagaganap ang paper contests: painting, narrative writing, at sketching. Finally, sa last day, ang mga pinaka-intense na labanan: singing at dancing. Pwedeng group o solo roon," pag-eexplain niya. Hmm... May ganun pala rito. Exciting. "Balik sa topic, si Aly ay sumali sa singing contest noong grade four kami at naging champion siya. Sumali ulit siya nung grade five, champion ulit. At last year, ayun. Three-time champion si Aly ng singing contest na yun. Siyempre sa elementary department lang ang labanan niya noon. Ngayon, high school department na. Mas-angat na ang level. Pero for sure sasali ulit siya this year."

"Wow. Ang galing naman niya."

"Talaga! Ayan na, pakinggan mo."

Sa hinaba-haba ng eksplanasyon sa akin ni Farah, di pa rin siya nagsisimula. Talagang hinintay niya matapos ang kwento ni Farah, ah.

Okay. Let's see what this girl got.

"I want you to stay, never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is wait for you
To be here beside me again
Why did you have to leave me
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me
When you said that dreaming, is as good as reality?"

Oh-kay... Edi siya na maganda ang boses. Kung kanina mala-anghel daw ang boses ko, ang kanya naman pang-diyosa. Nakakanganga talaga. Kahit yung iba kong kaklase napapanganga rin kahit lagi na nilang naririnig ang boses ni Alyssa.

"And now I must move on
Tryin' to forget all the memories of you near me
But I can't let go of your love that has thought me
To hold on"

Grabe lang, damang-dama ko yung kanta dahil sa pagkakanta niya rito. Sa pagkakatanda ko, ang title ng kantang ito ay "Stay" na OST ng On the Wings of Love ng JaDine.

"I want to stay
But I have to go away
Ooh, ooh"

And she ended her performance with a bow and a smile.

"Whoo!!!" Naghiyawan na naman ang buong klase.

"As expected from ms. Reyes. Very wonderful performance!"

Weird LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon