CHAPTER 19

26 8 0
                                    

"RAIN!"

Tumakbo ako papunta kay captain na nakahandusay sa sahig. She's crying. Ano bang nangyari?

"Rain, are you okay?" tanong ni coach. Kita mo ang pag-aalala sa mukha niya. Siyempre, anak kaya niya 'tong namimilipit sa sakit. "Tell me what's hurting."

"'Y-yong... paa ko..."

"Aish--" tinignan ni coach ang paa ni Rain at sinubukan itong galawin pero biglang napa-sigaw ng malakas si Rain kaya napapikit na lang si coach. "Bubuhatin kita papuntang bench, okay?" Tumango naman si Rain.

Pagkadating na pagkadating sa bench ay chineck agad ng first-aider na nandoon ang kanang paa ni Rain. Kahit hindi pa siya nagsasalita, alam na namin ang desisyon.

"Hindi lang basta-bastang sprain ang nangyari sa paa ni Rain. Kung hindi agad maaagapan ay baka lumala ito. Kaya..." tinignan ng first-aider si coach. Napahawak naman sa sentido niya si coach.

Biglang nagsalita si captain. "K-kaya ko pang maglaro. M-malapit naman na matapos 'yong laro kaya tatapusin ko na. Coach, kaya--"

"Rain. Hindi mo na tatapusin ang laro."

"P-pero coach, kaya ko pa--"

"'Wag ka nang mapilit, Rain."

"Coach naman..."

"Rain, makinig ka sa'kin." Tumapat si coach sa lebel ni Rain at hinawakan niya ang magkabilang braso nito. "Hindi mo na kayang maglaro pa ngayon. Baka lumala pa 'yan. Mas delikado 'yon hindi lang para sa'yo, kundi para sa team mo. Hindi pa naman official match ngayon. Practice game lang ito. You don't need to push yourself to the limit. You need to rest."

"Pero coach--"

"I'm saying this as your father, not just as your coach." Hindi na nakasalita si Rain sa sinabi ni coach. "Rain. Kailangan mo nang magpahinga. You did enough. Kaya na ito ng team mo. Magtiwala ka sa kanila."

"D-dad..."

Napahagulgol na lang sa iyak si Rain. Niyakap siya ni Shaina bago siya dinala paalis para gamutin.

Biglang sumeryoso ang paligid. "Quin, palitan mo si Rain," sabi ni coach.

"Y-yes, coach."

"Team, kahit anong mangyari, 'wag kayong gagawa ng ikapapahamak ng sarili ninyo at ng buong team. Tandaan niyo, you need to win fair and square. 'Wag kayong tutulad sa kanila. At isa pa, win this not for your captain only. Win for yourselves. Show them what you've really got."

"YES, COACH!"

Bumalik na kami sa gitna. Pumwesto na kaming lahat at hinarap ang katapat ng bawat isa sa'min.

"You're back," nakangisi na namang saad ng kanong walang hiya. Siya at si Oligario ang may kasalanan kung bakit nagkagano'n si Rain. Kailangan nilang panagutan 'yon.

"I'm gonna make you regret what you did," I said between my grinding teeth.

"Try me," pag-uulit niya sa sinabi ko kanina.

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Okay, then. Tignan natin kung anong kaya mo.

Dinribble ko ang bola at pinaglaruan ito sa pagitan ng aking mga binti. Kagaya ng ginawa niya kanina. Just faster.

I extended my arms with the ball, making it look like I'm gonna pass the ball. As expected, hindi niya ako hinarangan.

"Ha! You think that trick's gonna work on me?"

Weird LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon