CHAPTER 1 (REVISED)

23 8 0
                                    

Dumilat ako at humikab tapos nag-inat-inat. Umupo ako sa kama ko at nagdasal ako tapos kinuha ko agad ang cellphone ko.

For short, daily routine.

Tinignan ko kung anong araw at oras na cellphone ko.

August 15, 2016- Monday. 4:37 am.

"Damn," bulong ko sa hangin.

Dumating na. Dumating na nga talaga.

Last year ko na bilang isang Junior High School student.

Senior citizen na ako, shit.

"Zsa, gising na!" Sigaw ng mama ko na rinig na rinig ko kasi katabi lang naman ng kwarto ko ang kusina. Akala mo naman nasa second floor kung sumigaw.

"Gising na po!" Sigaw ko pabalik. Bingi rin kasi 'yang si mama paminsan-minsan. Madalas, actually.

Lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa dining room. Actually, di naman talaga 'room'. Dining area lang siya kasi magkakadikit at wala namang divider ang mga parte ng bahay. Except siyempre sa mga kwarto. Katapat ng pader ng kwarto ko-- namin pala-- ang dining area. Katabi sa kaliwa naman ng kwarto namin ay ang kwarto ng magulang ko. Tapat naman ng dining area ang sala. Sa may gilid naman ng dining area ang kusina. Dalawa ang banyo namin-- sa may tabi ng kusina at sa loob ng kwarto nina mama at papa. May porch kami sa labas.

Maliit lang talaga ang bahay namin. Okay lang kasi kasya naman kami.

Anyway, I feel so... I don't know. Talagang kinakabahan ako na excited na natatae na ewan. Basta. Kasi naman, eh. Last year ko na ito sa JHS pero nilipat pa rin ako ng ibang school. Since preschool doon na ako sa XyAc at first time kong lilipat. Kung kailan isang taon na lang tsaka pa ako nilipat. Galing talaga ng magulang ko.

Kumain na ako, nagtoothbrush, naligo, at naghanda na. Ayos na kagabi pa ang mga gamit ko kaya masnapabilis ang kilos ko. Sinuot ko na ang uniform ko na parang pang-Japanese. Maikli ang palda, long sleeves ang blouse at may necktie. Naka-black long socks din ako at brown leather shoes. Mala-Haponesa talaga ang attire ko. Feel na feel ko tuloy pagiging Japanese. The otaku feels rise up!

Para sa buhok, nagblower muna ako tapos nagsuklay. Nilugay ko na lang ito tapos tumingin ako sa salamin. One last check and...

I'm good to go.

Pagkadating na pagkadating ko sa Carter International University, ang school na papasukan ko, namangha agad ako.

Ang laki-laki ng school, kitang-kita ko kahit na nasa may gate pa lang ako.

May mga estudyanteng nagsisipasukan na rin. May ibang mga naka-civilian lang, may iba rin namang naka-uniform na. Pumasok na rin ako. Unang makikita ang napakalaking quadrangle kung saan nakakalat ang napakaraming estudyante. Halo-halo sila.

Saan kaya dito ang office?

Lumapit ako sa isang babaeng naka-uniform tulad ko. Kinalabit ko siya at nang humarap siya sakin, nginitian niya ako. "Excuse me, miss. Saan ang principal's office dito?" Tanong ko.

"Kita mo 'yan?" Tinuro niya ang isang malaking gymnasium. "Kumanan ka. Makikita mo dun yung sign na 'Principal's Office'. Doon na 'yon."

"Ah okay. Thanks," sabi ko at sumunod sa direksyon na sinabi niya.

Nakita ko na agad ang principal's office kaya pumasok na ako. Siyempre, kumatok muna ako. Pinapasok naman ako agad.

Principal's office lang ito pero bakit ang laki? Marami bang principal dito? 'Di ba siya kasya sa maliit na kwarto?

"Excuse me po," tawag ko dun sa maliit na babae na naka-attire na pang-principal at naka-upo sa principal's chair. Siya ang principal? Seryoso?

"Yes?"

Weird LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon