Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla akong nagkasakit. Kung kailan Biyernes at PE day, tsaka pa ako nilagnat. Basketball pa naman sport namin ngayon.
Nagising ako kaninang alas-tres ng madaling araw dahil sa panay na kalabit sa akin ng kakambal ko.
"Zsa... gising."
"Hmm... ano ba?"
"Nahulog ka sa kama ko."
Napabangon agad ako at lumipat sa kama ko.
"Sorry," tanging sabi ko. Pumasok bigla sa isip ko yung sa kanila ni Aly. Sila ba talaga? Bakit parang ang bilis naman? Tsaka bakit parang walang nakakaalam? Tago kaya relasyon nila?
"Teka lang, Zsa." Umupo siya sa tabi ko. Wala akong lakas na itulak siya kaya tinalikuran ko na lang siya. Takte, ang sakit ng ulo ko.
Naramdaman ko ang palad niya sa noo ko. Anong ginagawa nito?
"Zsarina, you're hot!"
Huh?! Ano raw?!
"Nilalagnat ka. Ang init mo, sobra!"
Ahh... akala ko kung ano na.
"Sandali lang, ah." Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at pagbalik niya, may dala na siyang baso ng tubig, isang face towel, at thermometer. Tinulungan niya akong umupo ng maayos tsaka ako pinainom ng paracetamol. In-on at nilagay niya ang thermometer sa kili-kili ko. Umupo ulit sa tabi ko. "Ang init mo talaga, Zsa. Ano bang nangyari sa'yo? Tsk."
Talagang alagang-alaga ako, ah. Paano kaya kapag lagi akong may sakit? Sakitin pa naman ako. Ganito pa rin kaya ang pag-aalaga niya sa'kin o magsasawa siyang alagaan ako?
Tumunog ang thermometer. Chineck niya ang temperature ko at napamura siya.
"Fvck. 42° ang temperature mo, Zsa! Sobrang taas ng lagnat mo," sabi niya na parang naiinis.
"Bakit ka galit? Kasalanan ko bang nagkalagnat ako," sabi ko naman sa kanya. Kala mo kasi ginusto kong magkalagnat.
"I'm not mad. I'm just worried about you," saad niya. Edi siya na worried. "You can't go to school today. You need to rest."
"What?! No! I have to--" napatigil ako sa pagsasalita dahil naubo ako bigla.
"Tignan mo nga! Inuubo ka na rin. Hindi ka talaga makakapasok sa lagay mong 'yan."
"Pero may practical test sa PE ngayon at hindi ko *cough* pwedeng mamiss 'yon."
"Periodical exam na natin next week. Anong mas gugustuhin mong pasukan? Practical test na madali lang habulin o final examinations?"
"Zhack--"
"Zsarina."
Napahinto ako. Kahit na may sakit ako, iba pa rin yung pakiramdam ko sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko.
"'Kay," na lang ang tanging nasabi ko dahil wala na talaga akong lakas makipag-bangayan sa kanya.
"Good girl. Now go back to sleep. You wouldn't want to be sick for the rest of the day, would you?" Tumango na lang ako. "Then rest and get better."
Kapag nagi-English talaga siya, ang hirap nang kontrahin. Para bang nakakatakot siyang sagutin o suwayin.
"Sige." Humiga na ako at pumikit. Maya-maya, nakaramdam ako ng malamig sa noo ko. Basang tuwalya.
"Para bumaba ang lagnat mo," sabi niya na para bang nagtanong ako.
"Thank you," mahinang sabi ko pero sakto lang para marinig niya.
BINABASA MO ANG
Weird Love
RomanceZsarena is a hopeless romantic teenager who falls for her twin brother. What will happen to her complicated and weird love life? Read to find out. Weird Love By monda27