Panda note:
Hi guys! I just want to clarify things, kasi kahit ako nalito na sa spelling ng pangalan ng character ko. Hahaha!
Zsarena is the right spelling, not Zsarina. I got wrong on the spelling of her name for the past chapters so I just want to correct it.
And also, since the last update was really short, babawi ako ngayon. Brace yourselves, guys. This will be long. So long that I need to cut it into two parts.
ZsaRed/JaRina shippers, this is for you!
Anyway, thank you for all the support and love! Continue reading and voting for Weird Love!
Aishteru~ Saranghae~
xOxO,
Moira---
Hindi ko maiwasang maisip kung bakit ako nagpauto sa isang bakulaw na katulad ng kapatid ni Diana. Walang iba kundi si Jared.
Kagabi, tinext niya ako ng 'good night babe, saranghae' with a heart emoji. Muntikan na akong maduwal sa message niya. Siyempre hindi ko siya pinansin. Pero nagchat siya bigla sa messenger at sinabi niya na kailangan dae niya ipakita sa mama niya na sweet kami kasi parang nagdududa na raw sila. Edi ako naman itong si sunod, nagreply ako sa text niya ng 'good night din babe, luv u' with matching 'xoxo'. Sobrang nandidiri ako habang tinatype ko 'yon at nagdalawang-isip ako sa pagpindot ng send. But I still did it anyway. Kung wala lang talaga akong utang na loob sa lalaking iyon hinding-hindi ko talaga siya papansinin.
Pagkatapos ng flag ceremony kaninang umaga, bigla niya akomg hinila bago ako makapasok ng classroom at kinausap tungkol sa 'mission' naming dalawa. Pinakita niya raw 'yong text ko sa mama niya para nga patunayang kami talaga, pero binasa ng mama niya 'yong mga naunang text at dahil hindi naman scripted 'yon, lagi kaming nag-aaway doon. Let me correct myself, lagi ko siyang inaaway. Hindi talaga away, pero tinatarayan ko siya. Buti nga at wala kaming napagusapan doon tungkol sa deal namin, eh. Lahat kasi ng tungkol sa deal namin ay sa messenger namin pinaguusapan. At dahil nga sa nakita ng mama ni Jared, inisip niya na nag-away kami at baka raw kailangan naming pag-usapan 'yon. Ng masinsinan. Tingin niya kasi nagtatampo pa raw ako sa anak niya, assuming na may ginawang kasalanan sa'kin ito. Natawa ako nang sinabi sa'kin ni Jared na pinagbibintangan siya ng mama niya na may nagawang mali kaya raw ako 'nagtatampo' sa kanya. Totoo naman na may nagawa siyang mali. Kaya nga umabot sa ganito ang lahat, eh. Siya ang may kasalanan kung bakit nabasag lahat ng gamit sa Science Lab, at kung bakit tuloy ako nasa sitwasyon ito.
So then after telling me the stort, Jared proposed this so-called brilliant idea. Of course, I knew it would be stupid. And without a doubt, I was right.
Now, I'm here at the underground parking lot of our school. Yes, there is an underground parking lot in CIU. Marami kasing may nagmamay-ari ng kotse sa school. Hindi lamang ang mga may trabahong admin at staff kundi pati na rin ang ibang mga estudyanteng mayayaman. Baka nakakalimutan ninyong unibersidad ang paaralang ito, kaya may mga lisensya na ang iba sa mga rich college kids. At madalas ay may mga importanteng taong bumibisita rito like politicians and famous personalities. Gano'n ito ka-exclusive. I wonder kung 'yong principal naming maliit ay big time din. Mukha kasi talaga siyang bata so I doubt may sumeseryoso sa kanya. But who am I to judge? Looks can be really deceiving.
And I've been deceived by an evil gorgeous guy. Yeah, I admit that he's got the looks. But that doesn't matter.
I'm here because he wants us to meet to this place, since ayaw ko raw makitang magkasama kaming dalawa ng mga tao. At dahil ito ay nasa college area at malayo sa high school, perfect place ito para sa pagkikita namin.
Doon naman papasok ang tanong kung bakit kami magkikita. As part of that plan of his, pupunta raw kami sa bahay nila. It's so sudden right? Ilang linggo pa lang naging kami-- I mean fake us-- tapos kakakilala pa lang namin ng parents niya na hindi naman maganda ang kinalabasan, then I'm already going to their house? At school day pa talaga. Pwede namang sa weekend na lang para nakapaghanda man lang ako ng susuotin. Ang dugyutin ko kaya tignan ngayon! Tapos sa e-bike niya pa kami sasakay eh ang bilis-bilis pa naman no'n magpatakbo. Edi haggard na talaga ako pagdating namin doon! Palibhasa kasi siya ilang suklay lang sa buhok, ayos na. Minsan nga hindi na. Most men do not care about what they look, lalo na kapag nasa sarili nilang tirahan.
BINABASA MO ANG
Weird Love
RomanceZsarena is a hopeless romantic teenager who falls for her twin brother. What will happen to her complicated and weird love life? Read to find out. Weird Love By monda27