CHAPTER 3 (REVISED)

18 7 0
                                    

Tumayo na 'yong katabi ni Diana tapos nag-apir muna silang dalawa bago siya pumunta sa harapan. Best friends?

"Hi everyone. I'm Alyssa Reyes and you can call me Aly. I'm 16 years old."

"You're going to sing, right?" tanong ni Ms. Sam. Alam niya ang gagawin ni Aly?

"Of course, Miss. That's my talent, afterall." Wow, proud si ateng, ah.

"Okay, then. Show us what the 6-time defending champion is capable of."

6-time what?!

Ngumiti lang siya sa sinabi ni Miss. Anong champion sinasabi Ms. Sam? Matanong nga 'tong katabi ko.

"Farah, anong sinasabi ni miss?"

"Ah... 'Di mo nga pala alam. Si Aly, best friend ni Diana at ang top 2 ng batch, ay six straight years nang nag-chachampion sa CIU Best of the Best Amateur Singing Contest."

"Ang haba ng title ng contest, ah. May best of the best pa."

"Ah, kasi ganito 'yon... Ang CIU Best of the Best ay isang activity sa school na kung saan nagaganap ang iba't ibang contests. Parang cultural festival ito pero ang labanan ay by batch at hindi by club. Umaabot ito ng tatlong araw. Sa first day, nagaganap ang cooking contest at acting contest. Sa second day naman nagaganap ang paper contests: painting, narrative writing, at sketching. Finally, sa last day, ang mga pinaka-intense na labanan: singing at dancing. Pwedeng group o solo roon," pag-eexplain niya. Hmm... May ganun pala rito. Exciting. "Balik sa topic, si Aly ay sumali sa singing contest noong grade four kami at naging champion siya. Sumali ulit siya nung grade five, champion ulit. At hanggang last year, ayon. 6-time defending champion si Aly ng singing contest na 'yon. For sure sasali ulit siya this year."

"Wow. Ang galing naman niya."

"Talaga! Ayan na, pakinggan mo."

Sa hinaba-haba ng eksplanasyon sa akin ni Farah, 'di pa rin siya nagsisimula. Talagang hinintay niya matapos ang kwento ni Farah, ah.

Okay. Let's see what this girl got.

"I want you to stay, never go away from me"

Damn.

"Stay forever"

Shit, ang ganda nga.

"But now, now that you're gone
All I can do is wait for you
To be here beside me again
Why did you have to leave me
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me
When you said that dreaming is as good as reality?"

Edi siya na maganda ang boses. Kung kanina mala-anghel daw ang boses ko, ang kanya naman pang-diyosa na. Nakakanganga talaga. Kahit 'yong iba kong kaklase napapanganga rin kahit familiar na sila sa boses ni Alyssa.

"And now I must move on
Tryin' to forget all the memories of you near me
But I can't let go of your love that has thought me
To hold on"

Grabe lang, damang-dama ko 'yong kanta dahil sa pagkakanta niya rito. Sa pagkakatanda ko, ang title ng kantang ito ay "Stay" na OST ng On the Wings of Love ng JaDine.

"I want to stay
But I have to go away
Ooh, ooh"

And she ended her performance with a smile and bow.

"Whoo!" Naghiyawan na naman ang buong klase.

"As expected from Ms. Reyes. Very wonderful performance!"

"Thank you, Ms. Sam," sabi niya at bumalik na siya sa upuan niya.

Best friend na pala niya ang sunod. Ang ace ng aming batch, si Diana. Ito ang inaabangan ko talaga. Ano kayang gagawin niya?

Weird LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon