"I'm sorry."
"Zsa?"
Nabalik ako sa realidad nang magsalita ang lalaking nasa harapan ko. Agad kong inalis ang kamay kong nasa ulo niya at lumayo ng sobrang layo, nasa kabilang dulo na ata ako ng court. *exaggeration*
Basta napa-atras ako mula sa kakambal ko na parang nagulat din.
"Zsa, tinamaan ka rin ba ng bola?" pabulong na tanong ni Jared sa'kin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Teka nga." Nilingon niya ang kakambal ko. "Bakit ka late, Zhack? Hindi ba first period ang call time?" tanong nito.
Oo nga, ba't nga ba siya late? Hindi naman siya late kaninang umaga.
Magkausap pa nga sila ni Aly, eh.
Tinignan pa nga niya kami ni Jared ng masama, eh.
Pero kung hindi siya late, tinamaan ka na ng lintik. Black out ka na siguro ngayon.
Inner thoughts, please don't. Nagiguilty na nga ako, eh. Pinapalala mo pa.
"I had to do something," flat toned na sagot ng kakambal ko.
"Mas importante sa training?"
"Why do you care?"
Sht, sht, parang nagkakainitan na 'tong dalawa, ah.
"I don't. Kaya lang parte ka ng team ko. At ayokong may nagsiskip ng trainings. Unang araw pa naman ngayon. Bad shot ka agad."
"Ano ngayon? Kayang-kaya kong sabayan ang mga pinaggagagawa ninyo. Kahit hindi ako umattend ng training mo."
Nakikita kong nagaalangang sumingit ang iba naming mga kaklase sa usapan ng dalawa. Usapan nga ba o alitan?
"Ayos lang naman sa'kin. Hindi naman ako 'yong mawawalan ng posisyon sa team, eh."
Tinaasan ni Zhack si Jared ng kilay. Anong ibig sabihin ni Jared?
"Anytime, kayang-kaya kitang tanggalin sa team ko."
ANO RAW?!
"Jared, anong nangyayari dito?" dumating na si coach kasama ang nurse na may dalang first-aid kit. Bakit kasama si nurse?
"Wala po, coach. Binibigyan ko lang ng welcome greetings 'tong bago," sabi ni Jared sabay tap sa shoulder ni Zhack.
Walang hiya.
"Sige na, mag 10-minute break muna kayo then resume the game. Dadalhin ko muna itong si Zhack sa clinic."
Lumapit ako kay coach at sinabing, "Sama po ako!"
"Sure ka? Hindi pa tapos ang laro ninyo."
"Opo. Kaya na po nila 'yon. Tsaka kasalanan ko po kung bakit siya nagkaganyan."
"Hindi mo kasalanan," sabay na saad nina Zhack at Jared. Nagkatinginan ang dalawa matapos magsabay sa pagsalita.
Bigla na lang napa-'aray' nang mahina si Zhack.
Takte.
"Can we please go now?" tarantang tanong ko nang makitang napangiwi si Zhack. He's in pain.
Pagkadating sa clinic, agad na tinreat ang sugat ng kakambal ko. Hindi naman ito malala, malakas lang talaga ang impact ng bola kaya nagka-cut ang anit niya at nagdugo. Nahilo siya kaya siya natumba sa'kin, at buti na lang nasalo ko siya no'n kundi bagsak siya sa sahig.
BINABASA MO ANG
Weird Love
RomanceZsarena is a hopeless romantic teenager who falls for her twin brother. What will happen to her complicated and weird love life? Read to find out. Weird Love By monda27