CHAPTER 14

24 8 0
                                    

Bigla kong naalala 'yong favor ni kuya. Kaya naman pinadaan ko si Jared sa 7-11 na malapit sa school.

"Pwede ka na bumili ng ganyan?" tanong niya.

"Kaya nga, eh. Siraulo kasi 'yong kuya ko. Pwede namang siya na lang bumili."

Pumili ako ng flavor. May lychee? Ano kayang lasa nito?

"Zsa, kapatid mo, andito."

Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong bote sa gulat. Hinila ko si Jared sa may likod na part at tinanong, "Sinong kapatid? Kuya ko?"

"Hindi, si Zhack. Kasama niya si Aly."

"Nandito sila?! Bakit?!"

"Aba malay ko! Bakit mo 'ko sinisigawan?"

"Aish. Bakit ba sila nandito?"

"Hindi ba nila tayo pwedeng makita?"

Oo nga. Bawal nga ba? Alam naman ni Zhack na kami, eh. I mean, ang alam niya kami, pero naman hindi talaga kami.

"Papunta si Aly dito."

Fvck. Bahala na.

Lumapit si Aly sa pwesto namin. No'ng una, hindi niya kami napansin, pero kukuha ata siya ng chichirya kaya nakita na niya kami kasi nakaharang kami sa daanan.

"Zsa? Jared?" Gulat na gulat niya kaming tinuro. "Bakit kayo nandito?"

"Ahh, may binibili lang," sagot ko.

Napatingin siya sa hawak kong soju. Baka akala niya ako iinom nito.

"Bakit kayo magkasama?" tanong pa ulit niya.

Nagkatinginan kami ni Jared. Anong isasagot namin sa kanya?

"Aly, nakuha mo na ba--"

Nakita na rin kami ni Zhack. May dala siyang dalawang malalaking Coca Cola at isang can ng rootbeer.

"Hey," bati ni Jared. Hindi naman ako nagsalita.

Nagkatitigan kami for ilang seconds at una siyang umiwas ng tingin. "Aly, kumuha ka na d'yan ng gusto mo," sabi lang niya sabay talikod.

"Mauna na kami, Aly. Bye." Hinila ko na si Jared, pero pinigilan kami ni Aly. "Ano 'yon?"

"K-kayo ba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Anong isasagot namin dito? Oo? Pero hindi naman talaga kami, at kailangan lang naming magpanggap sa harap ng magulang ni Jared. 'Pag sa school, back to normal lang kami.

"Ah, hin--"

"Oo, kami na."

Anong 'oo'?! Siraulo ba 'to?! Wala sa usapang magpapanggap din akong girlfriend niya sa harap ng iba!

"Talaga? Kailan pa? Bakit hindi mo sa'min sinabi?"

"Kagabi lang. Sasabihin ko dapat sa inyong tropa kaya lang nauna ka na."

"Kailan ka pa nanligaw?"

"Sorry Aly pero kailangan na naming umalis. Sa school na lang tayo mag-usap. Bye."

Dali-dali niya akong tinulak sa cashier. Buti na lang at hindi ako tinanong kung anong edad ko sa cashier, nakabayad at nakaalis kami do'n.

Weird LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon