It's 10:30 in the morning and kasalukuyan akong naghahanap ng magandang masusuot sa damitan ko.
Why? Because of my fake boyfriend who wants me to meet his parents. Kakain kami ng lunch with them. Kaya pala kahapon pinipilit na niya ako kasi sinabi niya na ipapakilala na niya ako ngayon sa kanila. Siraulo 'yon, sure na sure talaga siyang papayag ako sa deal.
Susunduin niya ako gamit ang e-bike niya, so hindi pwedeng mag-palda ako unless gusto kong makitaan ako. Hindi rin naman pwedeng t-shirt at jeans lang ang isuot ko dahil baka hindi sila maniwalang girlfriend ako ng anak nila.
Okay! Alam ko nang susuotin ko. I'm going to wear a no-sleeved blue pastel colored tunic with a gray cardigan and knee-length black leggings, paired with dark blue flat shoes. Natural naman na ang pagka-wavy ng hair ko kaya onting suklay lang ayos na 'to. I'm gonna wear silver earrings at itong necklace na may initials ng name ko. At siyempre, hindi kumpleto ang outfit nang walang bag. Isang puting sling bag na may sapat na bulsa para sa mga kailangan ko. Hindi naman ako nagmemake-up so hindi mabigat at bulky ang bag ko tuwing aalis ako, unlike sa ibang mga babae.
Ayan, ayos na ko. I'll just wait for my fake boyfriend to come. Ilang minuto pa akong maghihintay dito. Masyado pala akong maaga. Hindi ako excited, ah! Sadyang mabilis lang ako kumilos.
"Aalis ka?"
Tinignan ko ang lalaking galing sa kwarto na halatang bagong gising lang.
"Yep, kuya."
Naglakad siya papuntang kusina. "Saan naman punta mo?"
"Hindi ko pa rin alam."
"Huh? Hindi mo alam kung saan ka pupunta? Ano ka, sabog?"
"Susunduin kasi ako ng kaklase ko. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta kasi hindi niya sinabi sa'kin."
"Ahh, tropa mo?" tanong niya habang kumukuha ng pagkain sa ref.
"Uhm... oo." Hindi ko pwedeng sabihing fake boyfriend ko, malaking issue 'yon.
"Nagpaalam ka ba kina mama?"
"Yeah, yeah."
"Pumayag?"
"Malamang."
"Anong oras ka aalis?"
"Pagdating niya. Malapit na 'yon."
Lumapit naman sa akin si kuya at tumabi. Inakbayan niya pa ako. Trip nito?
"Zsa, favor naman."
"Tsk. Ano?"
"Kung dadaan kayo ng kaklase mo sa 7-11, pwede bili ka ng soju?"
"Ha? Siraulo ka ba? Underage pa ako at isa pa bakit ka magsosoju? Soju pa talaga, ah. Ayaw mo ng San Miguel o Tanduay? Kailan ka pa naging aware sa soju? Nanunuod ka ba ng K-Drama? Ha? Sagot!"
"Wait, chill ka lang kasi. Masyado kang mabilis magsalita, eh."
"Bakit ba kasi?"
"'Yong nililigawan ko kasi, gusto niya ng soju."
"What? May nililigawan ka na?"
"Yeah. Kilala mo siya. Anyway, hindi naman ako makalabas ng bahay dahil walang magbabantay dito."
"Si Zhack."
"Aalis din 'yon mamaya, eh. Pupuntahan daw 'yong syota niya."
Pupunta na naman siya kina Aly? Hindi ba sila nagkakasawaan sa isa't isa?
BINABASA MO ANG
Weird Love
RomanceZsarena is a hopeless romantic teenager who falls for her twin brother. What will happen to her complicated and weird love life? Read to find out. Weird Love By monda27