Our team won. Sobrang dikit ng laban, 2 points lang ang lamang namin sa kabilang team. Sa second half na ako nakalaro, kung kailan nag-tie ang score. Hanggang 21 lang naman ang score dahil half court lang kami naglaro. Nakapuntos ako kahit papano, ako nga ang nagpalamang sa amin, eh. That aside, naging maayos naman ang kinalabasan ng try-out ng girls.
Nanalo naman ang team nila Migz sa laban ng boys. Hindi na ako nagulat, magaling talaga sila. Kaibigan ko rin kasi yung ibang mga naging kakampi niya. Sabay-sabay kaming nag-training sa XyAc noon at naging close sa isa't isa kaya alam ko ang kakayahan nila.
Tsaka kasama nila si Zhack, so...
Sure win.
Anyway, nandito kami ngayon sa McDo Antlers. By kami, I mean yung mga kaibigan ko na kalaro ko kanina. Kasama rin siyempre ang kambal ko. Kahit hindi sila close ng mga kaibigan ko dahil nga sa ibang bansa siya nag-aral, ang bilis lang niyang makihalubilo sa amin. Close na nga sila ni Migz, eh. Boys will be boys.
"So, Zhack. Do you have a girlfriend?" tanong ni Kaila.
Napatingin ako kay Zhack, at nagulat ako nang magtama ang aming mga tingin. Agad ko rin naman inalis ang paningin ko sa kanya.
Bakit niya kaya ako tinignan?
"Oo meron," sagot niya.
"Ay, ganon? Sayang."
Natawa sila sa sinabi ni Kaila. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to. Pati ba naman kakambal ko pagdidiskitahan?
"Maganda ba?" tanong ulit nito.
"Yeah," tipid na sagot ng kakambal ko.
"Dito mo nakilala? O sa States?"
"Dito na."
"So kailan pa kayo?"
"Nito lang."
"Pasado ba siya kay Zsa?"
Napataas naman ako ng kilay sa tanong ni Kai. "Bakit ako nadamay dyan?" tanong ko.
"Siyempre kakambal ka niya, dapat may say ka rin sa love life ni Zhack."
"Wala akong pakielam sa kanya."
"Woah!" hiyaw nilang lahat.
"Grabe ka sa kapatid mo, Zsa!" sabi ni Migz sabay akbay kay Zhack.
"I mean, wala akong pake sa love life niya o sa kung sinong gf niya. Buhay niya 'yan," sabi ko na lang sabay inom ng coke. "CR muna ako."
Sinamahan ako ni Kai sa CR. Akala ko iihi rin, 'yon pala itatanong lang kung sino 'yong gf ng kambal ko.
"Hindi mo naman kilala," sabi ko habang nagsasabon ng kamay.
"Bakit ba? Iso-stalk ko sa fb tapos--"
"Huhusgahan mo?" Sinara ko na ang gripo pagkabanlaw ng kamay ko.
"Well, hindi naman 'husga'. Titignan ko lang kung bagay ba sa kapatid mo. Sa pogi niyang si Zhack, dapat kasing ganda ko ang girlfriend niya." Proud na proud pa siya sa sinasabi niya.
"Kasing ganda mo talaga?"
"Edi kasing ganda mo. Ayan, okay na?"
"Ewan ko sa'yo. Dami mong alam."
"Dami talaga." Bigla niyang ni-lock ang pinto ng CR. "Alam ko rin na nagseselos ka."
"Huh?"
"Nagseselos ka doon sa gf ni Zhack."
Pinagsasabi nito?
Ako? Selos? Kay Aly?
"Sira ka ba? Bakit naman ako magseselos? Kapatid ko 'yon, hoy."
BINABASA MO ANG
Weird Love
RomanceZsarena is a hopeless romantic teenager who falls for her twin brother. What will happen to her complicated and weird love life? Read to find out. Weird Love By monda27