Panda note:
I dedicate this chapter to my number one supporter, Cheska_C, na kasalukuyang ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan ngayon araw! Ito 'yong remaining gift ko para sa'yo. The long wait is over, my friend.
I hope you all will like it! Happy reading!
xOxO,
Moira---
Wala na kaming inaksayang oras ni kuya at dali-daling umalis ng bahay papunta sa ospital kung nasaan si Zhack at ang magulang namin. In just a few minutes ay nakarating na kami sa ospital sa Bayan. Mabilis na tinahak namin ang daan papunta sa kwarto na kinalulugaran ng kakambal ko.
Bakit? Bakit kailangang mangyari 'to?
Sa kanya pa.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto, dumiretso agad ako sa taong nakahiga sa kama at niyakap ito.
"I'm sorry," bulong ko sa kanya. "I'm sorry, Zhack. Wala ako sa tabi mo."
Naramdaman ko ang isang mahinang tapik sa likod ko. "Ayos lang ako, Zsa. Pero baka matuluyan ako kung hindi mo ako pakakawalan."
Napalayo naman ako sa kanya. Ngayon ko lang siya nakita ng harapan. Bigla ko na lang din kasi siyang niyakap nang hindi siya pinagtutunan ng pansin.
May benda sa noo niya. May mga galos din sa mga braso niya. Ang putla niyang tignan.
Bigla akong nanghina. Bakit ba kasi siya nabangga?
Kinuwento na sa akin ni kuya ang nangyari kay Zhack kanina habang papunta kami rito. Sinabi niya na habang naghihintay daw si Zhack sa may sakayan ng jeep, bigla na lang daw ito tumawid nang hindi tumitingin sa daanan. Kaya ayon, nabangga siya. Buti na lang daw at hindi malakas ang impact dahil napapreno ang may-ari ng sasakyan bago tuluyang tumama kay Zhack. At buti na lang din ay mabait ang nakabangga sa kanya. Dinala siya nito sa ospital at siya na rin ang nagbayad ng expenses.
Paano nalaman ni kuya ang lahat ng iyon? Well, kasama raw ni Zhack si Aly at si Jackson noon at sila ang nagkuwento kay kuya.
Speaking of, si Aly lang ang nandito ngayon sa loob. Baka umuwi na si Jackson. Sabagay, anong oras na rin naman.
"Anak," dinig kong tawag sa akin ni mama na nakaupo sa sofa. "Saan ka ba nanggaling?"
Yumuko ako ng kaunti. Hindi kasi ako makatingin kay mama ng diretso. "Sa bahay po ng kaklase. Birthday po kasi ng mama niya at inimbitahan ako."
"Bakit hindi ka naman nagpaalam?"
"Nakitext po ako, ma. Sinabi ko kung nasaan ako," pagdadahilan ko. I really did text her.
"Kahit na. Sana nagpaalam ka ng mas maaga. O kahit kay Zhack man lang."
Doon ako natauhan. Oo nga naman, dapat kinausap ko si Zhack bago umalis. Ayan tuloy, mukhang ako pa ang may kasalanan ng nangyari sa kanya.
Nag-sorry na lang ako kay mama. Pinaupo na lang niya ako sa tabi niya. Tinanong ko kung nasaan si papa, ang sabi naman niya ay kausap ang nakabangga kay Zhack. I want to thank kung sinuman ang taong iyon kaya naman ay lumabas ako ng kwarto. Sakto namang nasa labas si papa na may kasamang isang payat at matangkad na babae. Maybe that's her.
"Zsa. Nandito na pala kayo ni Sam," sabi ni papa nang lumapit ako sa kanilang dalawa. "How's Zhack?"
"He's... okay, I guess?" nilingon ko ang babae. "Kayo po ba...?"
Tumango naman ito kahit hindi ko pa natatapos ang tanong ko. Okay na rin 'yon, kaysa naman tanungin ko siya kung siya 'yong nakabangga sa kapatid ko. "Ako nga pala si Cheska Cruz. I'm sorry for what happened. I hope gumaling na agad si Zhack."
BINABASA MO ANG
Weird Love
RomanceZsarena is a hopeless romantic teenager who falls for her twin brother. What will happen to her complicated and weird love life? Read to find out. Weird Love By monda27