Chapter Four- Brothers

67 11 3
                                    

Zsarena's Point of View

Nagising akong maingay sa labas ng kwarto. Ang aga-aga ang ingay nila. Tss...

Tinignan ko ang cellphone ko para i-check ang oras. 3:40 am?! Ang aga naman!

Ano bang meron don sa labas? Tsk. Matignan nga. Baka kung ano nang nangyari, eh.

"...ingay. Magising mo si Zsa, eh."

Napatigil ako bigla sa pagbubukas ng pintuan. Kilala ko yong boses na yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Yong boses na yon...

"KUYAAA!" Dali-dali akong lumabas at niyakap ang kuya Zamuel ko. Omegosh, I missed kuya! Nagdodorm na kasi siya sa DLSU Taft kaya hindi na siya nauwi rito sa bahay. Sobrang bihira siyang umuwi rito kahit na weekends kasi dagdag gastos lang pag-nagbyahe pa siya pauwi tapos babalik din naman siya after a day. Sayang lang ang pera at oras. "Kuya, miss na kita! Kamusta?"

"Ayan, gising na tuloy. Ikaw kasi, eh." Sabi niya kay...

Sino to?

"Sornaman. Malay ko bang mabilis na siyang magising ngayon. Noon naman tulog mantika yan."

Sino ba tong lalaking kasama ni kuya? Parang pamilyar siya... Di ko maalala, eh. Pero pamilyar talaga ang mukha niya. Para ngang kamukha ko, eh. Parang boy version ko, lol.

"Zsa, namiss na rin kita!" Di ko na lang muna pinansin yong lalaki at niyakap na lang ulit si kuya.

Tinignan ko siya sa mata tapos nagpa-cute ako. Aba, aba, aba... Hindi naman pwedeng walang...

"Pasalubong ko?"

"Pasalubong?! Yan agad hinihingi mo sakin?! Grabe ka sa kuya mo, ah!" Lumayo siya sakin tapos nagtampu-tampuhan. "Mama, ano bang tinuro mo rito kay Zsa habang wala ako? Iniispoil niyo ba to ni papa?"

"Hindi spoiled tawag dyan! Naglalambing lang yan!" Sigaw ni mama galing sa kusina. Hahaha! Nice one, ma!

"Psh." Nagtago siya doon sa likod ng lalaki. "Fafa Zhack-y, inaaway nila ako." Malanding sabi niya. Eew! Sabi na eh. Bading talaga tong si kuya, hindi lang niya sinasabi.

Teka... Zhack daw?

Zhack... Zhack... Zhack...?

.
.
.

ZHACK?! Y-y-yong... Kakambal ko?

"Kadiri ka, kuya! Di tayo talo, hoy!"

"ZHACK?! AS IN... KAMBAL?!"

"Ngayon mo lang narealize, Zsa?"

What the. Siya nga. Ang kakambal ko. Ang fraternal twin ko.

"Paanong..."

"Hindi mo ba ako i-wewelcome, kambal?" Tanong niya tapos inopen niya ang mga braso niya na parang sinasabing yakapin ko siya.

Edi go, yakapin. Kambal ko naman, eh.

"Grabe. Ibang-iba na ang itsura mo. Huling pagkikita natin ay nung prep pa tayo. Ang taba-taba mo pa nun tapos ang haba ng buhok mo. Ang puti-puti mo rin sobra nun, para kang labanos. Tapos--"

"Oo na, pangit na ako noon."

"Hindi ko sinasabing pangit ka. Kasi kung pangit ka, pangit rin ako. Kambal tayo, remember?"

"Sabi ko nga. Hahaha!"

Nagyakapan lang kami tapos sumali si kuya sa amin. Nagising si papa at tapos na magluto si mama kaya naman pati sila sumali na rin. Ang resulta-- GROUP HUG!

Grabe lang... Ang huling yakapan namin ng ganito ay nung six years old pa ako, prep kami ni kambal. Mag-gegrade one na kami noon dapat sa XyAc pero ako na lang ang nag-grade one doon. Dinala na kasi nina ninang Joan at ninong Erwin si kambal sa Los Angeles, California at doon pinag-aral.

Weird LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon