Chapter 28

28 7 0
                                    

"Good morning, class." Bati ng kakapasok lang na si Ms. Sam. Tumayo ang lahat para bumati pabalik.

"Good morning, Ms. Sam."

"Take a seat. As you all know, next week is training week and the following week will be..."

"INTRAMS!" tuloy ng mga kaklase ko. Naghiyawan naman ang karamihan. Sobrang excited na sila sa nalalapit na sports event. Mukhang gusto na talaga nilang magpakitang gilas, lalo na sa mga coaches ng mga varsity team. Siyempre, kapag maganda ang performance nila sa INTRAMS, automatic na kasama na sila sa varsity ng CIU na sasabak sa Regional Sports Festival na lalaban sa iba't ibang schools around the town.

Ako rin naman. Until now.

Ngayon kasi parang wala akong gana. Parang wala akong pake kung makapasok ako sa varsity. I mean, okay kung makapasok. Kung hindi, edi better luck next time. I don't really care.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Of all times, bakit ngayon pa kung kailan malapit na ang INTRAMS? Ngayon pa talaga ako nawalan ng gana maglaro at magpabibo.

"Sa mga sasali ng Academic Decathlon, may meeting kayo mamaya kasama ang Student Council. Right, Diana?" Tumango lang ang aming presidente bilang sagot. "Pinapaalala ko lang sa inyo na after ng INTRAMS ay periodical examinations na ninyo. Huwag ninyong kalimutang mag-aral, okay?"

"Yes, miss!"

"You're the star section so I expect that you can handle both. Can you?"

"Yes, miss!"

Lumabas na si Ms. Sam at kaagad na pumasok ang aming terror professor sa Science.

"Someone get all the DNA models in my office. Now."

Maraming napabulong ng mura sa amin, kasama ang ang nasa likod ko at ang katabi ko. Ako rin naman pero sa isip lang.

Pinakuha pa talaga niya sa mga kaklase ko 'yong models. Dapat siya na kumuha, galing naman siya doon. Tamad.

Napatingin ako kay Farah nang hilahin niya ang laylayan ng damit ko. "Zsa, kinakabahan ako!"

"Ako din."

"Hindi! Iba kasi girl!"

"Anong iba? Parehas lang naman tayong magrereport sa harapan niya at parehas lang tayong hindi handa."

"Baliw! Wala akong kapartner, ikaw meron!"

Oo nga pala. Si Farah ang kapartner ni Zhack. At dahil wala ang kakambal ko, mag-isang magpepresent ang kaibigan kong ito. Nakakakaba nga.

"Pero parang wala ka rin naman palang kapartner."

Tinaasan ko siya ng kilay. What does she mean by that?

"Wala namang maitutulong 'yang kapartner mo. Ikaw lang din magsasalita."

"Hoy sinong sinasabi mong walang maitutulong?" biglang sulpot ni Vincent sa gitna namin ni Farah.

"May iba pa ba? Ikaw lang naman ang partner ni Zsa."

"Inaaway mo na naman ba ako?"

"Hindi. I'm just stating facts."

"Facts mo bulok. Wala ka ngang kapartner, eh!"

Natahimik bigla si Farah. Hay nako, akala ko ayos na talaga 'tong dalawang 'to.

Nagulat ako nang biglang humarap sa akin si Vincent. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Anong gagawin natin, Zsa?"

"Uhh," iniwas ko ang mukha ko at humarap sa blackboard. "Basahin mo 'yong sinend ko sa'yo kagabi sa messenger."

"Okay!" at bumalik na siya sa upuan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Weird LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon