Nandito kami ngayon sa court kung saan gaganapin ang huling laban para sa araw na ito. Puno na agad ang court kahit hindi pa nagpapakita ang players.
And I didn't expect na-- I mean, yeah, I did. But they exceeded my expectations. Sinong they? Edi ang fans ni Jared. Ang daming fans ni Jared. Sorba. Mas marami pa ata sa fans ni Diana. Or pantay lang sila. Basta halos kalahati ng audience sa court ay fans niya. Paano ko nalaman? May mga naka-shirt na may mukha ni Jared, may mga banners na napakalaki, may mga printed na malalaking pictures ng mukha lang ni Jared, may nga pompoms pa 'yong iba tapos sumisigaw sila ng, "Go Jared!"
Akala mo talaga championships na, eh. Paano pa kaya kapag gano'n na nga? Edi puno pati labas ng court? Kaloka.
Edi siya na talagang sikat. Sila na. Iba talaga 'yong magkapatid na 'yon.
Nagulat ako nang biglang nagtilian ang mga tao at may nagdrums pa. Hindi ko napansing dumating na pala ang players.
Ngiting-ngiti si Jared at ang team niya habang naglalakad at kumakaway pa sa mga tao. Tilian na naman ang mga babae dahil do'n.
Nandito kami nila Farah at Centy sa may side bench sa court, kasama ang ibang teammates ko. Pinayagan kami na dito umupo kasi player naman ako ng basketball.
Hindi kami die-hard fan supporters, ah. Wala lang kasi kaming maupuan sa ibang seats pagkapasok namin kanina kaya dito na lang kami umupo.
Nakita kong papalapit sa pwesto namin si Jared. Tumigil siya sa harapan ko at bigla na lang akong inabutan ng cellphone.
"Ano 'yan?"
"Cellphone 'to, Zsa. Hindi ka pa ba nakakakita ng ganito?"
"Baliw. Anong gagawin ko dyan?"
"Kainin mo."
Ngumanga ako at umandang kakainin 'yong cellphone. "Ahh--"
"Joke lang," nilayo niya sa'kin ang phone niya. "Picturan mo 'ko."
"Aba! Ano ka, sinuswerte? Bakit kita pipicturan?"
"Dali na, Zsa. Kailangan ko ng remembrance."
"Eh bakit ako? Pwede namang mga teammates mo na lang?"
"Eh gusto ko ikaw kumuha, eh. Dali na."
Kinuha ko na lang ang cellphone niya para matapos na. Ang dami talagang alam ng lalaking 'to.
"1, 2, 3." Nagpose siyang naka-pogi sign. "1, 2, 3." Nagpose ulit siyang naka-flex naman ang muscles. "1, 2--"
"Hep hep!" Kinuha niya ang cellphone mula sa kamay ko at tinago ito sa bulsa ng jacket niya. "Let's save the last shot for later."
"Whatever you say."
"Cheer niyo 'ko, ah! Dapat rinig na rinig ko!"
"Bahala ka sa buhay mo." Umupo na ulit ako sa upuan ko habang bumalik naman siya sa pwesto nila.
Napansin kong nakatingin na naman sa'kin sina Farah at Centy. Ano na naman ba? Hindi naman ako nakangiti, ah.
"Bakit parang close na kayo ni Jared?" tanong ni Farah, na sinundan ni Centy. "Hindi ba dati ayaw mo sa kanya?"
"Ayaw ko pa rin naman."
"Oh? Parang hindi naman," sabay na sabi ng dalawa. Nagkatinginan ang dalawa sabay ngisi. Tignan mo 'tong dalawang 'to. Pinagtutulungan ako.
"Magkaaway pa rin naman kami."
"Pero close na kayo. Paano nangyari 'yon? Kailan kayo naging close? Nagpapicture pa sa'yo si Jared."
BINABASA MO ANG
Weird Love
RomanceZsarena is a hopeless romantic teenager who falls for her twin brother. What will happen to her complicated and weird love life? Read to find out. Weird Love By monda27