Chapter 25

17 8 0
                                    

Nakarating kami sa library pasado alasingko na. Kinausap muna saglit ni Jackson ang babaeng nakabantay sa front desk bago kami pumasok sa loob mismo ng library. Binigay niya sa'min ang aming library card na may authorized stamp ng head librarian, meaning pwede kaming humiram ng kahit anong libro at pwede namin itong iuwi hanggang matapos ang isang linggo.

Hindi basta-basta nagkakaroon ng ganitong privelege ang mga nagpupunta sa library dahil strikto ang mga tao rito. Kung hindi dahil siguro sa mama ni Jackson ay hindi kami makakakuha ng ganitong card.

Umupo kami sa pinakalikod at pinakagilid na katabi ng bintana, kung saan may mga nakapuwesto nang iba. Pito silang nandoon, ang tatlo ay magkakaparehas ng uniporme at ang apat ay naka-casual attire lamang. Base sa uniporme ng tatlo, galing sila sa paaralan sa Bayan.

Binati ni Jackson ang isa sa mga nakasuot ng casual na damit.

"Magpakilala muna kayo sa isa't isa. Tatawagin ko lang si mama," wika ni Jackson bago kami iniwan.

Uupo na sana ako sa bakanteng upuan na katabi ng bintana kaso inunahan ako ng kapatid kong nakangisi. Siya na nga lang 'tong saling-kitkit, siya pa 'tong nang-agaw ng upuan. Wala akong nagawa kundi umupo sa tabi niya.

Hindi pa rin ako makapaniwalang sinamahan niya ako rito. Mukhang hindi naman nabahala si Jackson na sumama itong lalaking 'to sa'min.

"Hi!" nakangiting bati ng katapat kong babae. May kulot itong buhok at bangs na halos tumakip nang tuluyan sa mga mata niyang malalaki. Maliit ang kanyang ilong at manipis ang kanyang mga labing mapula. Mukha siyang manika. "Ako si Zoe. Grade 10 na 'ko, from Mary, Mother of Christ Academy. Jackson invited us to join this group para sa nalalapit na Decathlon."

"Nice to meet you. Ako si Zsarena. Kaklase ko si Jackson. Same reason."

Tumango-tango ang babae. "Ito naman ang mga kaibigan ko," itinuro niya ang katabi niyang lalaki, na katapat din ni Zhack, na naka-earphones at mukhang walang pake sa mundo. "This is Daemon, my classmate slash childhood friend. He's not really good with socializing, but he has a good heart, I tell you."

That was really unnecessary, but it's good to know that.

Binaling naman niya ang kanyang atensiyon sa nasa kaliwa niya. Naka-uniform din ito. Isang babaeng maikli ang buhok at may makapal na make-up ang nakatingin sa katabi ko ang nakaupo doon.

Tinignan ko si Zhack. Nakatingin lang siya sa labas mula sa bintana. Mukhang hindi ito nakikinig.

"Ako naman si Frances Demetria Solis, 16 years old, from Brgy. Pasong Bato. You can call me Frade," nakangiting pagpapakilala nito. I want to roll my eyes sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Who cares about her whereabouts? "Who's that pretty boy?" tanong nito sa akin habang nakatingin pa rin sa kakambak ko. "You two look alike. Magkapatid kayo?" dagdag pa nito. Obviously, we are.

"We're twins." Napatingin naman sa amin ang iba pa naming kasama. What's the big deal? "This is Zhack. We're from Carter International University. Representative din siya like me," I said, maintaining my straight face.

"Really? Kambal kayo? Fraternal?" tanong ng lalaking nakasalamin at magulo ang buhok na katabi ng bakanteng upuan sa kanan ko, which is reserved for Jackson. "By the way, I'm Eric Dimapilis, from Hernacio-Guillermo University."

HGU is one of the most prestigious universities, along with CIU, in our province. Matatalino ang mga estudyante roon at laging nakakasama sa top 20 ng BAR Exams. Isa iyon sa mga choices ko pagdating sa college kung ayaw man akong papasukin ni mama sa malayo.

"Yeah."

"Sinong mas matanda?" tanong ni Zoe. Kailangan pa ba nilang malaman iyon?

"Me."

Weird LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon