A week has passed after training week. So bale two weeks na mula no'ng intense na first day of training namin. Next week, training ulit and then INTRAMS na. Regular classes lang namin ngayon, walang ganap masyado. Wala rin namang nagbago.
Except for one thing. Naging mabait na sa'kin si Diana. Well, not like she's been bad to me. Pero hindi naman niya ako pinapansin noon, unlike ngayon. Maybe dahil fake girlfriend ako ng step-brother niya.
Pero it makes no sense kasi ano naman ngayon kung may ganoon kaming relasyon ni Jared? Hindi naman 'yon totoo. Tsaka hindi naman kami sa school. I mean, hindi naman talaga kami pero-- ah basta, 'yon na 'yon! Bakit kailangan niya na akong ngitian everytime magkakatinginan kami? And she even says 'good morning' and 'goodbye' to me! So not her. Hindi naman sa ayaw ko, pero hindi ako sanay. Ang hirap din mag-adjust bigla.
At ito namang si Jared, parang walang pake kung magka-issue. Hindi pala parang, wala talaga siyang pakielam. Alam na nga niyang may someone na nagpicture at may hawak ng pictures namin, eh. Pero sama pa rin siya ng sama sa'min kapag hindi siya sumasama sa tropa niya.
Tapos kinukumbinse niya ako na sabihin na lang namin sa lahat. Siyempre ayoko. Aba! Ang usapan, sa magulang lang niya. Tapos nalaman ni Zhack at Aly. Nalaman na rin ng kapatid niya, na hinayaan ko na kasi wala naman na akong magagawa pa.
Ang dami nang nakakaalam. Ang hindi maganda ay hindi nila alam na fake lang kami. Si Diana nga lang nakakaalam ng totoo, eh. 'Yong iba, they think kami talaga. Parang nagsisinungaling na rin kami sa kanila. Hindi pala parang, we're really lying to them.
At nakakakonsensya.
Ayoko nang dumami pa ang pagsisinungalingan namin. Mas-okay na 'yong ganito lang. I mean, hindi okay. Pero wala na rin naman akong magagawa.
Ba't ba kasi pumayag ako do'n? Hay.
"Zsa!"
Napakunot ang noo ko nang marinig ko na naman ang boses na iyon. Hindi na ako natahimik. Hindi naman kasi ako pinapatahimik ng lalaking 'to.
"Ikaw na naman?"
"Ba't parang ayaw na ayaw mo akong makita? May galit ka ata sa'kin, eh."
"Oo, galit ako sa'yo! At alam mo kung bakit. Kaya manahimik ka na lang dyan!" Tumayo na lang ako para lumabas sa classroom.
Saktong may papasok no'ng paglabas ko. Si Zhack pala.
"Ba't ka nakasimangot dyan?" tanong niya.
"Si Jared kasi..."
"Bakit? Anong ginawa niya sa'yo?"
Medyo nagulat ako sa itsura niya kasi parang galit siya na ewan. O baka iniisip ko lang 'yon.
"Wala. Nangungulit lang."
"Ayaw mo pa kasi umamin sa lahat. Gusto mo bang ibang tao pa ang magsabi ng tungkol sa inyo?"
"H-hindi naman sa gano'n..." Hindi mo kasi alam ang totoo, Zhack.
"I know ayaw mong maging center of attention at ayaw mo ng gulo, pero mas gugulo 'yan kapag pinatagal niyo pa. Baka sa iba pa malaman, mahirap din 'yon. Mas okay nang maging open na kayo sa lahat kaysa magtago. Mahirap 'yan."
Hindi ako umimik. This is new. My twin brother is giving me advice. About relationships. Sa gitna ng daanan sa may pintuan ng classroom namin.
BINABASA MO ANG
Weird Love
RomanceZsarena is a hopeless romantic teenager who falls for her twin brother. What will happen to her complicated and weird love life? Read to find out. Weird Love By monda27