"So class, alam naman ninyo kung anong meron sa linggong 'to, right?" pambungad na tanong ni Ms. Sam sa'min.
Yes, we do! Gaya ng sabi ko no'ng nakaraan, Training week namin ngayon, at magiging busy talaga ang lahat. Next month pa naman ang INTRAMS namin, kaya may isang buwan pa kami para makapag-ensayo. Pero ngayong linggo at sa huling linggo bago mag-INTRAMS ay puro practice at training lang ang gagawin namin.
Para sa mga hindi nakakaalam, ang Intramurals ay Sports Festival din, iniba lang ang pangalan. Maglalaban-laban ang bawat class o section ng buong JHS sa iba't ibang sports at sa huli, ang class na may pinakamaraming panalo ang tatanghaling kampyon.
Excited ako dahil first game ko na rito sa CIU mamaya, kahit practice game pa lang 'yon. Nakita ko nang maglaro ang iba kong mga teammates sa P.E. and I can say na magaling sila. Alam naman nilang naglalaro ako ng basketball pero hindi pa nila ako nakitang maglaro dahil never akong nakasali sa mga matches. Kung 'di ako absent, may inutos sa'kin 'yong teacher. Ang galing talaga ng timing. This time I'll make sure na makikita nila kung gaano ako kagaling. Chos, humble po ako.
"I'll let Diana, our president, speak about it to you. May meeting pa kasi kaming mga teachers. Be good, okay?"
"Yes, Ms. Sam."
Nakalimutan kong sabihin na nanalo si Diana bilang class and SC President no'ng election. Big time talaga, eh. Masyadong OP o "Over Powering." Walang laban ang mga kalaban niya sa kanya. Si Aly naman ay Secretary ng SC, VP naman sa klase. Mga walang patawad sa ibang tao ang mag-best friend na 'yon. Ako na ang nagsasabing hindi ako magiging top 1 sa'min. Hay. Mapuputol na ang pinaka-mamahal at pinaka- pinagmamalaki kong streak as a gold medalist. Iyak. Pero at least naging officer ako sa klase bilang treasurer. Kahit papano may extra-curricular ako rito.
Pumunta na si Diana sa harapan at nagsimulang mag-announce ng mga kung anong bagay tungkol sa INTRAMS.
"Para sa outdoor sports, ang basketball, volleyball, and football team natin ay ilan sa mga na-assign na magtrain mamaya. Wala pang practice ngayon ang badminton, tennis, at swimming."
"'Yon, buti wala pang swimming. 'Di ako nakapagdala ng damit, eh." Dinig kong sabi ni Shawn, katabi ni Centy.
"Lahat naman ng board games at indoor games ay may practice na ngayon."
"Tambay na naman buong araw sa library," sabi ni Death. Chess player siya at sobrang galing daw niya, ayon kay Farah.
"Basketball and volleyball girls, may practice game kayo laban sa 10-C. Be ready."
First day, laban agad sa ibang section. I'm so excited.
"Basketball boys, may laban kayo against 10-B mamaya bago mag-uwian. And may consequence 'yon, I'm sure alam niyo naman na what's the deal. Kaya niyo naman na sila, 'di ba?"
"Oo naman," confident sabi ni Jared na siyang captain ng basketball team namin at ng buong CIU JHS. I also heard na ginawa na siyang kapitan ng varsity team ng basketball last year dahil nahigitan niya ang stats ng seniors niya o ng mga grade 10. Ibig sabihin grade 9 pa lang siya, tinitingla na siya sa larangan ng basketball. Tropa nga siya talaga ni Diana. Sila ang tropang masyadong OP. Sila na. Siya na. Siya na ang magaling maglaro ng basketball. I suddenly want to see kung gaano siya kagaling.
Pero ano kayang deal 'yon? At anong consequence? May pustahan kaya?
"So 'yon lang naman. I don't need to remind you all what to do, neither I'd give you advice. Alam ko namang kaya natin silang higitan, eh. Kaya niyong manalo. Kaya natin. We are the best. Kaya nga tayo nasa star section, eh. 'Cause we're stars, and nobody can top us."
BINABASA MO ANG
Weird Love
RomanceZsarena is a hopeless romantic teenager who falls for her twin brother. What will happen to her complicated and weird love life? Read to find out. Weird Love By monda27