Chapter Eight- Basketball

54 9 0
                                    

Zsarina's Point of View

Bakit siya nandito?

"Sinama ko si Aly rito," sabi ni Zhack.

Nakatayo lang ako sa may gate dahil 'di ko pa alam kung anong irereact ko. Nginitian ko na lang silang dalawa tsaka pumasok sa bahay. Wala akong sinabi, pumasok na lang ako basta-basta. Bastos na kung bastos. Eh sa wala akong masabi, eh! Tsaka bisita ni Zhack 'yon, siya mag-asikaso. Tsk.

Bakit ba siya nandito ngayon? Ano, ipapakilala na niya agad sa buong pamilya yung gf niya? Wow. Parang ilang araw pa lang sila, ah.

Eh ano bang paki ko? Bakit ba affected ako? It's his life, I have nothing to do with it.

Pumasok ako sa kuwarto at doon tumambay. Ayoko nga doon sa labas, baka ma-OP pa ako sa kanila. Nauurat pa naman ako kapag nakikita ko sila.

Nagbasa na lang ako ng story sa Wattpad. Habang aliw na aliw ako sa pagbabasa, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zhack.

"Aalis na si Aly." Already? Akala ko ipapakilala niya kina papa at mama. Kung hindi naman pala, bakit pa niya dinala 'yong babaeng 'yon dito sa bahay? Ano, ipapamukha talaga niya sa aking girlfriend niya si Aly? Sana inagahan na lang niya ang pag-alis. Tss.

"Ah, sige," tanging sabi ko sabay balik sa pagbabasa. 'Di naman obvious na ayaw ko sa kanya, 'no?

"Ihahatid ko lang siya sa kanila," saad na.

"Sige. Isara mo na lang yung gate," sabi ko sa kanya nang di siya tinitignan. Kailangan pa niya ihatid sa kanila, pwede namang sa labas lang. Ang alam ko rito rin sa village namin nakatira si Aly, eh.

"Sige." Sinara na niya ang pintuan. Tinignan ko ang orasan at nakitang 6:00 pm na pala. Kaya pala niya ihahatid kasi gabi na. Edi siya na gentleman.

Lumabas na ako ng kuwarto at naghanda ng dinner. Dumating na sila papa at mama na may dalang Calda's Pizza pero wala pa rin si Zhack. Si kuya Zamuel daw 'di muna uuwi kasi doon matutulog kina kuya Harry, kabarkada niya. Close ko 'yon, eh. Parang second kuya ko na rin kasi sobrang protective niya sa'kin.

Nakakain na kami't lahat, hindi pa rin bumabalik ang magaling kong kakambal. 8:00 na. Ang lapit-lapit lang ng bahay ni Aly, bakit wala pa siya?

"'Nak, matulog ka na." sabi sa'kin ni mama na tutok na tutok sa panunuod ng FPJ's Ang Probinsyano.

"Mamaya na po, ma. Wala pa si Zhack," sabi ko naman sabay kagat sa pizza.

"'Wag mo na hintayin si Zhack, baka mamaya pa iyon."

"Ha? Bakit po?"

"Nagtext siya sa papa mo, magpapailaw daw sila."

Akala ko ba hinatid niya lang si Aly? Bakit iyon ang sinabi niya kay papa? Hindi naman niya sinabi 'yon sa'kin.

"'Yon lang po ba ang sinabi niya?"

"Oo. Bakit?"

"Wala po. Sige ma, pa, matutulog na ako. Good night po." Humalik na ako sa pisngi nila at pumasok sa kuwarto.

Bakit siya nagsinungaling? Ayaw ba niyang malaman nila na may girlfriend na siya? Hindi naman against sila mama at papa doon, eh. Ayos lang sa kanila na magka-jowa kami as long as ma-maintain ang grades. Tsaka ayaw ba niyang maging legal na sila?

Ano ba talagang meron sa inyo, Zhack? Ano bang tinatago mo? Anong tinatago ninyo?

Hindi muna ako natulog dahil hindi pa naman ako inaantok. Saktong 9:00 na ako nakatulog. Pagkagising ko kinabukasan, nasa pull-out bed na si Zhack, mahimbing na natutulog. 5 am pa lang pala, too early for a Saturday. Wala pang gising sa kanila. Dahil mabait akong bata, naghanda na lang ako ng almusal. Nagluto ako ng bacon, pancake, at hotdogs. Nagising sila mama at papa dahil sa amoy. Natuwa pa nga sila kasi madalang ako gumising nang maaga lalo na kapag weekends.

Weird LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon