CHAPTER 10

35 8 0
                                    

An ordinary and boring day for me. Actually, ordinary and boring week. Kasi naman, tamad na tamad magturo 'yong mga teachers, tapos tamad din makinig ang mga kaklase ko. Kaya ang resulta, puro free time kami. Eh wala namang projects, o kaya reports, o kaya activities man lang. Kaya pati ako, tinamad na rin. Para bang, nakakatamad walang gawin. May gano'n ba? Tamad na walang ginagawa? Oo, meron. Ako.

Pero for sure next week hindi na ganito. Training week na kasi. Malapit na ang INTRAMS namin kaya lahat ng players for each level ay bibigyan ng isang linggo para magtraining. Mapa-indoor sports or outdoor, lahat kasama. 'Yong mga hindi players, magpapractice para sa spoken cheer at cheerdance. So lahat ng estudyante ay talagang magiging busy sa linggong 'yon.

Pero Wednesday pa lang ngayon! Apat na araw pa bago magkakaroon ng training. Apat na araw pa ako maghihintay. Kaurat.

May kumalabit sa'kin. Si Farah. "Zsa, samahan mo nga ako sa CR."

Tumango ako tsaka tumayo para samahan siyang magpunta sa CR. Habang naghihintay, nakita ko sina Aly at Diana na nag-uusap sa may hagdan. Hindi nila ako nakikita kasi nasa likod ako ng pader.

Mukha silang nagaaway. Laking  gulat ko nang biglang sampalin ni Diana si Aly.

Wtf?!

Si Aly, naiyak. Siyempre, ikaw kaya sampalin sa mukha ng best friend mo. Namakat pa 'yong palad ni Diana sa pisngi ni Aly.

Grabe. Nakakatakot magalit si Diana. Kita ko sa mga mata niya na sobra siyang nagagalit. Pero bigla ring nawala ang galit sa kanyang mga mata at napalitan ng guilt. Awa. Sakit.

Tinalikuran ni Aly si Diana at tumakbo papunta sa...

Shit! Dito siya pupunta!

Dali-dali akong pumasok sa banyo at sa isang cubicle na bukas.

"Farah, 'wag ka munang lalabas. 'Wag kang mag-iingay," bulong ko.

"Huh? Ba--"

May narinig akong humihikbi kaya pinatahimik ko siya. "Shh!"

Sumunod naman siya sa'kin. Nakaramdam din yata.

Nakarinig kami ng sunod-sunod na hikbi. Tapos umaagos na tubig. Binukas yata ang gripo. Ilang segundong nakabukas iyon tapos sinara na rin.

"Nakakainis," dinig kong sabi nito. Si Aly nga, hindi ako pwedeng magkamali.

Patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. Hindi ko alam kung dapat ba akong lumabas at icomfort siya o dito na lang ako hanggang sa umalis na siya.

"Aly, ayos ka lang? Bakit ka naiyak?"

Naknang-- lumabas si Farah!

"F-Farah! Andyan ka pala."

"Ah, oo. Umihi kasi ako. Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?"

"W-wala naman."

"Mas magiging mahirap 'yan kung hindi mo sasabihin sa iba."

Sandaling katahimikan. Sumilip ako at saktong humagulgol si Aly at niyakap siya ni Farah.

Mga ilang minuto rin silang gano'n, tapos ay tumahan na si Aly. Handa na yata siyang magkwento.

"Ayaw si Diana sa relasyon namin ni Zhack."

What?! Seriously?!

"Bakit naman ayaw niya?" tanong ni Farah.

Matagal na ring alam ng mga tao na sila Aly at Zhack. Magdadalawang buwan na ang nakalipas mula noong nagkita kami sa McDo Antlers. The day after, nilantad nila ang relasyon nila hindi lang sa school, pati na rin sa pamilya nila pareho. Naging maayos naman ang paghaharap nila.

Weird LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon