CHAPTER 17

23 9 0
                                    

Panda note:

Gusto ko pong pasalamatan ang lahat ng sumusubaybay sa Weird Love! I'm glad to say that we have finally reached 100 votes! Thank you so much! I hope you enjoy reading this new chapter.

xOxO,
Moira

P.S. Mas maraming pagmumura rito compared sa past chapters, so 'wag kayong mabibigla. I changed the spelling of some words and some are censored, so don't worry.

---

Pota.

'Yong mga labi niya. Nakadikit sa mga labi ko.

T*ng*na.

First kiss ko 'to.

Nakuha ng kapatid ko ang first kiss ko.

Pota talaga.

Agad akong lumayo sa kama. Sa kanya. Napasandal ako sa pintuan, at ginawa ko itong support para sa katawan kong hindi makatayo nang maayos.

Hindi ko mapigilang mapahawak sa mga labi ko.

T*ng*na. Anong nangyayari sa'kin? Ano ba 'tong pakiramdam na 'to? Bakit nanghihina ako? Bakit biglang uminit ang pakiramdam ko?

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Dahil ba...

Tinignan ko siya. Hindi ako nakatagal, napaiwas agad ako ng tingin.

Hindi. Hindi pwede. Hindi 'to pwede.

T*ng*na naman, oh. Please, ayoko nang ganito. Ayoko ng nararamdaman ko ngayon. Hindi 'to maganda.

Hindi ko maiwasang mapatingin ulit sa kakambal ko. Nakapikit siya. Ibig sabihin ba tulog siya? Ibig sabihin hindi 'yon sinasadya? Ibig sabihin hindi niya naramdaman 'yon?

Ibig sabihin ba, ako lang ang nakakita, nakakaalam, at nakaramdam no'n?

Kung ganoon nga, edi ayos! Hindi niya alam na... na...

Basta 'yon! Na nangyari 'yon!

At dahil hindi niya alam, wala dapat magbago sa'min.

Kaya kailangan kong magpanggap na walang nangyari. Na normal ang lahat. Na hindi nangyari 'yon.

Kaso parang ang hirap.

Pota kasi, eh! Bakit ba kasi humarap 'tong g*g*ng 'to bigla? Imbis na siya tuloy ang magulat, ako ang nagulat. Hindi lang gulat. Halo-halong emosyon na.

Ang bilis pa rin ng pagtibok ng puso ko.  At ang lakas. Parang may pumupukpok sa loob. Baka may sakit na 'ko sa puso.

Mas okay naman atang isiping may sakit ako sa puso, kaysa naman isiping bumilis ang tibok nito dahil sa nangyari. Mas katanggap-tanggap pa 'yon, eh.

Pero t*ng*na, hindi ko maiwasang isipin...

Ang lambot ng mga labi niya.

Ay, g*g*! Ano ba 'tong iniisip ko?! Yak! Kadiri! Cringe! Zsa, ang disgusting ng utak mo! Kapatid mo 'yon, Zsa! Kakambal mo! Mag-hunos dili ka nga!

Weird LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon