CHAPTER 2 (REVISED)

14 7 0
                                    

First day of classes is equivalent to the introduction of the students in their class.

Augh, I hate this thing. Bakit ba kasi kailangan pang makilala ang buong klase?

"Normal introduction lang po ba?" Tanong ni Diana kay Ms. Sam. Malamang normal lang, ano bang gusto niya?

"Dahil tinanong mo na yan, why not make your introduction exciting?"

What the-- sa lahat ba naman ng itatanong niyang si Diana! Pabida, my gosh.

"Paanong exciting, miss?" Tanong ng katabi ni Diana.

"Exciting in a creative way. You will introduce yourselves by doing anything-- as in anything-- in a creative way. You can sing, dance, act, or even recite a script. Anything!"

Wtf.

"Individually ang introduction ninyo at sa harapan dapat."

Oh, Lord. What is happening here? Paanong naging ganito bigla ang pagpapakilala namin? Hindi pa ba sapat ang pangalan at birthday? Bakit, Lord?!

"Don't forget to relate yourself to what you will do."

Maslalo lang niyang pinahirapan. Ang daming alam!

"Grabe si Ms. Sam. Biglaan. Hindi ako na-orient. Wala tuloy akong maisip."

Napatingin ako kay Farah. May karamay ako! Yes! Thank you, Lord!

"Oo nga, eh. Ako rin. 'Di ba pwedeng pangalan lang?"

"Nako. Kilala ko yang si Ms. Sam. Kapag nakapag-desisyon na, 'di na niya babawiin. At kapag nagalit yan, magtago ka na. Masmasahol pa sa mura ni Duterte ang aabutin mo dyan."

Napalunok ako sa sinabi ni Farah. Nakakatakot naman pala aviser namin. Wala sa itsura niya.

"Mauna ang nasa likod. Pa-snake tayo." Yes, malayo pa ako! Sa second row ako, eh. May six rows kasi at seven columns. Malayo-layo pa ako kaya makakapag-isip pa ako ng gagawin. "Ikaw muna, Jared."

Tumayo 'yong Jared at pumunta sa harapan. May itsura siya kaya lang mukhang mapaglaro. Fucboi datingan, eh. Pero sabi nga nila, 'Do not judge a book by its cover.' "Ako si Jared Von M. Dimaguiba, 17 years old."

"Anong gagawin mo para sa'min?" Shit, seryoso ang itsura ni Ms. Sam. Parang kapag umayaw ka o nag-inarte, bubugahan ka ng apoy. Katakot.

"Sasayaw po."

"Anong sayaw?"

"Teach me how to dougie."

"Okay. Paano ang music? Ikaw rin kakanta?"

"Hindi po, ready na ako," nakangisi niyang sabi. Mukhang naghanda siya, ah.

"Sige, sabi mo. Start!"

Naghintay kami kay Jared. Nakatayo lang siya dun sa gitna. Maya-maya lang...

"Ey, ey..."

Kumakanta 'yong mga lalaki na nasa likod na parang katropa ni Jared. Nagsimula na ring gumalaw si Jared.

"Teach me how to dougie
Teach me-teach me how to dougie
Teach me how to dougie
Teach me-teach me how to dougie"

Naghiyawan ang mga kaklase ko. Hindi mapagkakailang magaling siyang sumayaw. Bukod sa alam niya talaga ang ginagawa niya, may swag siya at ang angas talaga ng dating niya.

Lumapit siya kay Diana habang nagsasayaw tapos nag-'ayeee' naman ang mga kaklase ko. Oh-kay? May something sa kanila?

Natapos ang kanta at ang sayaw ni Jared. Nagpalakpakan naman kami.

Weird LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon