Nagising akong maingay sa labas ng kwarto. Ang aga-aga ang ingay nila. Tss...
Tinignan ko ang cellphone ko para i-check ang oras. 3:40 am?! Ang aga naman!
Ano bang meron doon sa labas? Tsk. Matignan nga. Baka kung ano nang nangyari, eh.
"...ingay. Magising mo si Zsa, eh."
Napatigil ako bigla sa pagbubukas ng pintuan. Kilala ko 'yong boses na yon. Hindi ako pwedeng magkamali.
"KUYAAA!" Dali-dali akong lumabas at niyakap ang kuya Zamuel ko. Oh my gosh, I missed kuya! Nagdodorm na kasi siya sa DLSU Taft kaya hindi na siya nauwi rito sa bahay. Sobrang bihira siyang umuwi rito kahit na weekends kasi dagdag gastos lang pag-nagbyahe pa siya pauwi tapos babalik din naman siya after a day. Sayang lang ang pera at oras. "Kuya, miss na kita! Kamusta?"
"Ayan, gising na tuloy. Ikaw kasi, eh." Sabi niya sa taong nasa likod niya.
"Sornaman. Malay ko bang mabilis na siyang magising ngayon. Noon naman tulog mantika yan."
Wait a minute. That voice...
"Zsa, namiss na rin kita!" Niyakap ako ni kuya pabalik kaya nawala ang atensyon ko sa isang lalaki.
Tinignan ko si kuya sa mata tapos nagpa-cute ako. Aba, aba, aba. Hindi naman pwedeng walang...
"Pasalubong ko?"
"Pasalubong?! 'Yan agad hinihingi mo sakin?! Grabe ka sa kuya mo, ah!" Lumayo siya sakin tapos nagtampu-tampuhan. "Mama, ano bang tinuro mo rito kay Zsa habang wala ako? Iniispoil niyo ba 'to ni papa?"
"Hindi spoiled tawag dyan! Naglalambing lang yan!" Sigaw ni mama galing sa kusina. Hahaha! Nice one, ma!
"Psh." Nagtago siya doon sa likod ng lalaki. "Fafa Zhack-y, inaaway nila ako." Malanding sabi niya. Eew! Sabi na eh. Bading talaga 'tong si kuya, hindi lang niya sinasabi.
Teka... Zhack-y daw?
Zhack?
.
.
.ZHACK?! As in...
Kakambal ko?!
"Kadiri ka, kuya! Di tayo talo, hoy!"
"ZHACK?! AS IN... KAMBAL?!"
"Ngayon mo lang narealize, Zsa?"
What the.
Ang fraternal twin ko.
"Paanong..."
"Hindi mo ba ako i-wewelcome, kambal?" Tanong niya tapos inopen niya ang mga braso niya na parang sinasabing yakapin ko siya.
Edi go, yakapin. Kakambal ko naman, eh.
"Grabe. Ibang-iba na ang itsura mo. Huling pagkikita natin ay nung prep pa tayo. Ang taba-taba mo pa nun tapos ang haba ng buhok mo. Ang puti-puti mo rin sobra nun, para kang labanos. Tapos sa Skype naman ang taba rin ng itsura mo kaya hindi kita namukhaan agad, eh. Paano ka pumayat? Dati talaga--"
"Oo na, pangit na ako noon."
"Hindi ko sinasabing pangit ka. Kasi kung pangit ka, pangit rin ako. Kambal tayo, remember?"
"Sabi ko nga. Hahaha!"
Nagyakapan lang kami tapos sumali si kuya sa amin. Nagising si papa at tapos na magluto si mama kaya naman pati sila sumali na rin. Ang resulta-- GROUP HUG!
Grabe lang... Ang huling yakapan namin ng ganito ay nung six years old pa ako, prep kami ni kambal. Mag-gegrade one na kami noon dapat sa XyAc pero ako na lang ang nag-grade one doon. Dinala na kasi nina ninang Joan at ninong Erwin si kambal sa Los Angeles, California at doon pinag-aral.
BINABASA MO ANG
Weird Love
RomanceZsarena is a hopeless romantic teenager who falls for her twin brother. What will happen to her complicated and weird love life? Read to find out. Weird Love By monda27