CHAPTER 5 (REVISED)

10 7 0
                                    

It's been a month since my "senior" life started. It's also been a month since my older brother and twin came back home. And another thing--

It's been just a month, and Zhack already became popular in CIU. Take note-- not only to our batch, but to the whole Carter International University.

After thirty-one days-- including the weekends-- my twin is already one of the celebrities in our school. He even has his own title-- which is the 'University Hot Senior'. So lame, I know.

Sino pa ba ang nagpasimula? Edi ang reyna ng kachismisan, si Katelynn Davidson AKA Kate, the queen bee-tch. Second day ng kakambal ko sa school, ginawa niya itong seatmate at chinika-chika. The next week, kalat na sa buong school ang hobbies, faves, hates, at iba pang personal info ng aking kapatid-- na hindi ko alam kung papaanong nangyari. Tapos noong sumunod na linggo, naka-post pa sa bawat bulletin board ng kada building ang photo nito na nasa rampa siya-- which, was taken while he was modelling in LA. Baka kinuha ni Kate sa fb ni Zhack, I dunno. Imposible namang si Zhack mismo ang nagbigay.

Maraming estudyanteng from iba't ibang year level ang nagsipuntahan sa classroom namin-- mostly girls, some are men (or should I say X-Men). 'Yong iba nag-aayang mag-date, 'yong iba naman hinihingi ang number niya. Medyo nagulat nga ako na hindi pa nila alam ang number ni Zhack pero ang weight at height nito ay memorize na nila.

To make the long story short, my twin is an instant celebrity in our school. As in INSTANT. In just a month, he's like-- whoa! 'Who the hell is he and where did he take my twin?!' Yeah, something like that.

On the other hand... Moi is still an ordinary student living a normal life in CIU. Mas-prefer ko naman ang normal na buhay kaysa maging peymus tulad no'ng lalaking 'yon. Wala na siyang privacy, ni size ng brief hindi pinalampas. Eew...

"Hey, twin. Why are you spacing out?"

Nabalik ako sa katinuan ng kalabitin ako ng kapatid ko.

"Huh?"

He chuckled. "I was saying na nagpaplano si kuya ng welcome party, pero it's just a plan. Invited sana ang classmates natin noon at ngayon, pati na rin 'yong ibang kaklase ko sa LA. 'Yong iba lang na nandito rin sa Pinas, siyempre."

Ah... Kala ko naman kung ano na. "'Yon talagang si kuya Zamuel, kung anu-anong naiisip. Parang siya ang babae sa amin. May welcome party pang nalalaman eh dalawang buwan ka na ngang nandito sa Pinas. Tsaka wala na nga tayong pera, naisip pa niya 'yon. Pauso talaga siya," sabi ko sabay kagat ng sandwich.

Nasa cafeteria kami ngayon, recess. Kasama namin sina Farah at ang mga kaibigan niyang sina Jane, Hanna, Louie, at Sandy. They're from different sections, except kay Jane na kaklase rin namin.

Nagtataka kayo siguro kung nasaan si Centy. Of course, nasa garden. Bakit 'di namin siya kasama? The thing is, hindi pa rin nagkakaayos ang dalawa. Tinry ko na silang ipagusap ng sila lang dalawa by setting them up, but they are so stubborn kaya naman nauuwi lang sa wala ang efforts ko.

May naka-sched naman kung kanino ako sasama sa break time. Sa first break, sa garden ako with Vincent. Sa lunch, sa classroom lang ako dahil may baon naman ako at nakakatamad bumaba. Sa last break ay kanila Farah na ako sasama.

Ito namang kambal ko, kung kani-kanino sumasama. Minsan sa akin sasabay, minsan doon kina Jared (oo, naging tropa na sila), at minsan lone wolf lang siya. Isang beses pa nga nakita ko siyang kasama sina Kate at ang tropa niyang mga pabebe. Well, I don't care.

"Invited din kami?" Tanong ni Farah.

"Siyempre naman. You're our friends, natural na nadoon dapat kayo."

Weird LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon