Day 27

1.6K 69 51
                                    


Sunday Morning . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .















Kakatapos ko lang kumilos dito sa bahay . Pati garden nalinis ko na at syempre kwarto ko rin . Nga pala , pumasok rin ako nang dahan dahan sa master's room dahil kinuha ko na yung mga damit ko , mga sapatos at yung maleta ko . Sa katunayan nga , di ako na eexcite sa pag - alis ko . Kahit na alam kong Europe yun at England pa . I really couldn't imagine myself , na I'm going to say 'Goodbye' to him after the 30 days of being with him .
















Nailock ko na itong door nang room ko at nag titiklop na ako nang mga konting damit muna para mailagay na sa maleta . Inuunti unti ko na kasi mahirap naman yung basta ka na lang lagay nang lagay . Ayoko kasi na nakikita niya akong ganito . Yung malapit na pa lang magpaalam sa kanya . Maaring iwanan ko nga siya kagay nang mga sinasabi niya noong mga nakaraang araw pero madali pa rin naman niya akong kausapin man lang .












May naihanda na rin akong breakfast for him dun sa baba sakaling magising na siya at makaramdam nang gutom . Wala kasi akong gana kumain kaya naiprepare ko tuloy yung natirang naluto ko na favorite niya kagabi at yung espresso coffee na nagdrawing uli ako nang heart . Wala kasi ako sa mood ngayong araw na ito . Kahit na marami na pala akong nagawa .












Konting pambahay at pangtraining na lang yung naitira ko dito sa closet at mga sapatos . Para hindi na rin ako mahirapan pang magimpake sa martes . Bukas ko na kasi makukuha yung passport at ticket ko kay Cole pati na rin yung jersey ko . After kong maglagay nang konting mga damit sa maleta ko ay dahan dahan ko nang naipasok sa closet ko para itago . Kasi siguro dapat ko lang pagsisihan ang planong ito na tinigilan ko na , maaga pa lang .







At dahan dahan akong lumabas nang room ko at bumaba . Kumain ako nang konti kasi hindi ko tipo ngayon ang kumain nang marami nasa harapan ako nang t.v ngayon at kumakain nang breakfast . May movie pero I think ngayon ko pa lang siya mapapanuod . Nakakamay lang ako ngayon at iniinom ang ginawa kong kape .








Habang nanunuod ako dito , hindi mawala sa isip ko kung nagka - ayos na kaya sila ni Celine ? Sa hinaba haba nang oras kahapon sana nagka - usap sila nang maayos . At sana maliwanag na sa kanila ang kung ano man ang mga rason nila kung bakit hindi naging maayos ang relasyon nila noon . Pero there's this part of me na gusto kong malaman . Pero alam ko naman na private na iyon nang sa kanila lang .









Kiefer : 'Ly . . . . . . . . . (sabay kalabit sa right shoulder ni Alyssa)







Alyssa : (nagulat nang iniinom na lang yung kape niya dahil tapos na siyang kumain)





Kiefer : Prepare na tayo , simba tayo dyan sa labas nang subdivision . (sabay tayo na at akyat na sa taas para magprepare)








So , agad ko na ring hinugasan yung mga kinainan namin na nasa lababo na pala . At agad na akong umakyat at pumasok sa room ko then , I wear a dress . Simple but not so elegant . Then , tinernohan ko na lang sa earrings and necklace ko . I wear a watch on my right wrist and then sinuot ko rin yung bracelet na bigay sa akin nila Nanay at Tatay . Then , I wore my flat close shoes na .
















FF

























My Thirty Day Plan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon