Her Date

27 0 0
                                    

Shannon

Ganun pa din ang buhay. Review tuwing 2:30 with Evan na laging nagiging 3:00. Gaya ng napag-kasunduan wala munang gang fights. Leche! Di na 'ko makapag-exercise. Thursday ngayon at bukas ang practice namin ni Ann para sa performance. Lagi akong kinakausap ng babaeng yun. Sarap itulak sa building para ma-comatose at manahimik. Papunta ako sa Cafeteria ngayon. May naka-salubong akong mga estudyante na nagbu-bulungan.
"Girl, may date ka na sa Grad. Ball?" Girl 1
"Ay, oo nga Next next week na yun" Girl 2. Grabe naman ang pagiging excited nila. Tagal pa pala nun.
"Ako? Aayain ko si Troy. Hihi" Girl 1. Si Troy ang Basketball Captain dito sa school. Good luck na lang. Ang sungit nun. Di ko na narinig yung sinabe ni Girl 2 malayo na ko sa kanila eh.
Pagdating ko sa table namin yun din ang topic ni Ellise at Isa. Sus! Masyadong big deal. May katabing babae si Mach at as usual naglalandian sila. Nagbabasa ng libro si Evan. Kumakain naman si Drew. Kumain na din ako. Lasagna tsaka pizza.
"Ikaw Shan, may nag-aya na ba sayo?"
"Wala. Di ako aatend" cold Kong sabi
"Di pwede yun noh! Lahat ng ga-graduate ay required na pumunta" sabi ni Ellise
"Tsaka! Ga-graduate na tayo. Para satin yung Ball na yun" Isa. I tss-ed at nag-patuloy sa pagkain. Umalis na si Mach at yung babae niya.
"Tangna! Si Mach nakakadiri talaga. Pinatulan yung di na virgin na cheerleader na yun" sabi ni Ellise. Pakialam ba niya?
"Monica ata pangalan nun" sabi ni Isa
"Ang landi!" Ellise
"Tara na nga" Isa
"Ok, guys una na kami" Ellise. BTW, magka-kaklase nga pala sina Drew, Mach at Evan. Kaming mga girls ang magkaka-iba ng Room. Umalis na din si Evan. Lagi namang ganun. Palagi kaming naiiwan ni Drew.
"Shan. Ako ang date mo sa Ball ha" ngiting-aso na sabi ni Drew. I rolled my eyes.
"Yey!" Tss. Parang bata. Tumayo na ako.
"Hatid ulit kita" sinabayan na naman niya ako sa pagla-lakad. Tinatamad akong makipag-talo. Bahala siya.
"Bye" sabi niya tapos ngumiti. Pumasok na ko sa room. Ngiting-aso din si Ann sakin.
"Hinatid ka na naman ni Drew. Ayie" sabi niya. I just gave her a cold stare and mouthed whatever.

------------------------------------------------------------------------------------

I dialled Mr. Lee's number. Andito ako sa Starbucks. Trip ko lang. May napansin ako na sunod ng sunod sakin kanina.
"What is it, lady?"
"Prepare the house at Makati. Ready the music room. I'll be there on Saturday"
"Yes, lady" I hanged up. Naisip ko lang na sa bahay na namin sa Makati mag-practice ng para sa performance. May Music room kami dun ni kuya. Ayoko sa bahay. Nandun ang magaling Kong ina at ang kabit niya. Ayoko din sa bahay ni Ann. Sa kanya pa nga lang naiinis na ko pano pa kaya kung buong pamilya na niya.
Lumabas nako sa Starbucks. Uuwi na ko. 6:30 na din. Pinakiramdaman ko ang sumusunod sakin. Wala na naman. Tumigil na ata ng kakasunod. Sino kaya yun?

What If I Change?(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon