Graduation

20 0 0
                                    

Shannon

Iniisip ko pa din yung nakita ko noong Sunday. Sila ba talaga yun o namalik-mata lang ako? Argh. Imposible talaga eh. Bakit sila magsa-sama? Diba pinagtangkaan ni kuya ang buhay ng lalaking yun? Argh! Naguguluhan ako.

"My ghad Shan! Wag mong guluhin ang buhok mo! Hirap na hirap akong ayusin yan!" Sigaw ni Ellise sakin.
"Oo nga! Ayusin mo yan. Magmu-mukha kang luka-luka kapag kinuha mo na ang Diploma mo mamaya" Isa
"Ako na nga!" Inis na sabi ni Ellise at inayos ang buhok ko.

Yes, graduation namin ngayon. Ewan ko kung alam ng magulang ko. Dun ako tumuloy at nagbihis sa bahay ni Ellise. Siya na din ang nag-ayos sakin. Fvck! Sobra akong confused lately kaya namalayan ko na lang na ga-graduate na kami. Valedictorian si Evan. Sino pa ba? Maya-maya lumapit samin si Ann.
"Hi guys! Ahm. Ehem. Congratulations satin. Ehem" sabi niya
"Anong nang-yari sa boses mo?" Tanong ni Ellise. Oo nga, paos kasi siya eh.
"Birthday ehem ng pinsan ko ehem eh nag-concert kami ehem"
"Yan! Napala mo. Haha. Pero okay lang 'yan hindi ka naman magsa-salita eh" sabi ni Isa. Nakita naman namin si Evan na paparating.
"Congrats!" Sabay-sabay na bati nina Ann.
"Anong nangyari sa boses mo?" Tanong ni Evan Kay Ann
"Nag-concert ako ehem. Haha" Ann
"Ah, sige ah punta na 'ko dun" Evan
"Okay" Isa

Di 'ko pa nakikita si Mach at si Drew. Late yung dalawang yun panigurado. Tss.
Nung magsi-simula na pumila na kami. Nakita ko naman kumakaway samin si Drew at Mach.
"Good Morning everyone we are about to start are program so please graduates fall in line together with your parents" sabi nung isang teacher. Parents? Wala ako nun.
"Let us all witness the entrance of our graduating students with their parents" 'nak nang! Wala nga akong parents! Nag-simula ng tumugtog ang Song na para sa graduation March. Solo akong nag-lakad. So what? Gaya ng normal na graduation may kung anu-anong Gawain pa ang isinasagawa bago makuha ang aming diplomas. Pagkatapos mag-salita ng principal umakyat sa stage si Mrs. Mendoza.
"This is not a part of the program but may I have your attention please" nagsi-tinginan lahat sa kanya "I just want to give you my two students who are also one of the graduating Students for their performance" she paused at parang may hinanap. Her eyes landed on me and Ann. What the Fvck?!
"Ann Freya Bernardo and Shannon Fortaleza may i request you to come here in front and show us what you've got. You've had the great performance on our presentation so I ended up choosing you" what the hell. Holy Shit! This is bullshit! This is crap. Paano makaka-kanta si Ann eh paos siya. Ba't ngayon lang niya sinabe na kami pala ang magpe-ferform? Langya! Sarap paulanan ng Bala ang matandang dalaga na 'to. Lahat nasa Amin ang ang tingin. As in lahat. Puta! No choice! Tumayo na ako at hinila si Ann.
"You know how to play guitar?" Tumango naman siya
"You're going to play when I'm gone" sabi ko ulit
"Okay. Alam ko naman eh ehem" sabi niya
"Stop talking! You're freakin' annoying!" Pumwesto na kami sa unahan. Humiram kami ng gitara kay Mach. Langya! Kakanta ako! Puta! Nag-start ng tumugtog si Ann.

🎶I've got my ticket for the long way 'round
Two bottle whiskey for the way
And I sure would like some sweet company
And I'm leaving tomorrow. What d'you say?

When I'm gone, when I'm gone
You're gonna miss me when I'm gone
You're gonna miss me by my hair
You're gonna miss me everywhere oh,
You're gonna miss me when I'm gone🎶

Kumakanta ako ngayon but one thing is for sure. Gusto ko ng tumakbo at umalis dito. Nakahinga ako ng maluwag ng natapos kami. They even gave us applaud. Napunta na kami sa center ng program. Giving of diplomas na. Tuwang-tuwa yung mga parents at students. Nung ako na ang kumuha Nakita ko ang magaling Kong ina. Malayo siya pero pansin ko pa din siya. Umiiyak siya tapos ngumiti siya sakin bago umalis.
Agad Kong pinunasan ang luhang tumulo sakin. What the Fvck?! Ba't ako umiiyak?

Nagbigay lang ng speech si Evan tapos mga awardings. Diretso kami sa bahay Nina Evan kasi dun kami magce-celebrate bago dumiretso sa aming mga bahay.

Graduate na 'ko. Tss.

What If I Change?(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon