Shannon
Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Wala akong kaide-ideya. Wow! Andito ang buong pamilya ko. Magkasama yung kabit ng ina ko at Papa ko. Hindi nakakulong si kuya.
Napunta sakin lahat ng atensiyon nila.
"Anak" tawag sakin ni Papa. Umiiling-iling ako bago tumakbo palayo.Anak?! Paano nila nagawa sakin to?! Parte ba ako ng pamilyang to? Pakiramdam ko pinag-kaisahan nila ako. They're so unfair! Ano ba talagang nangyari sa pamilya ko? Totoo ba lahat ng nalalaman ko?! Dapat ba talagang kamuhian ko ang sarili Kong ina?! Dapat bang naging ganito ako kasamang anak sa kanya?!
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Takbo lang ako ng takbo habang umiiyak. Paano nila nagawa sakin to?
Napaupo ako sa isang bench at humagulgol ng iyak. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng makakakita sakin. Basta ang alam ko ginawa nila akong tanga.
"Shan.." napatingin ako sa taong tumabi sakin
"Glenn! Ipaliwanag mo nga lahat! Ano ba talagang nangyayari? Nagmumukhang tanga na ko eh!"
"Wag kang umiyak. Sige, sasabihin ko na lahat" nag-sigh siya. Nakinig akong mabuti."Nagsimula ang problema sa pamilya niyo noong pagka-graduate mo ng Grade 6. Masyadong malakas ang business ng Papa mo kaya maraming nainggit sa inyo. Dumami ang kalaban niyo. Your family belongs to a Mafia World. Pilit pinababagsak ng iba't-ibang company ang negosyo niyo. Lumaban ang Papa niyo. Hindi niya hinayaang mag-hirap ang pamilya niyo. Gusto niyang maibigay lahat ng gusto at kailangan niyo. Dahil kabilang sa Mafia ang Papa mo naging mahirap para sa kanya ang bawat Laban. Kailangan niyang pumatay para mabuhay. Masyadong maduming mag-laro ang kalaban. Napilitan siyang umalis dito para hindi na kayo madamay. Pinabantayan niya kayo Kay Mike. Matalik siyang kaibigan ng Papa niyo kaya sa kanya niya kayo ipinagkatiwala. Yung kuya mo alam lahat ng nangyayari. Hindi siya ipinakulong ng Mama mo. Palabas lang na pinagtangkaan niyang patayin si Mike para hindi ka magtaka kung bakit wala siya. Kasama ng Papa mo ang kuya mo. Nagtu-tulungan sila. Pinalabas din na bagong asawa ng Mama mo si Mike para magalit ka sa kanya at di na magtanong pa tungkol sa pagka-wala ng Papa mo. Ginawa nila yun para isipin mong kaya umalis ang Papa mo dahil may iba na ang Mama mo"
Sa mahabang paliwanag na yun. Unti-unting naging malinaw ang lahat sakin.
"Bakit hindi nila pinaalam sakin? Bakit kailangang mabuhay ako sa kasinungalingan sa loob ng apat na taon? Parte din ako ng pamilyang to! Bakit ipinagkait nila sakin ang katotohanan?! Kinamuhian ko ang sarili Kong pamilya! Halos kalimutan ko nang may ina ako! Nagmukha akong tanga" tulo lang ng tulo ang mga luha ko
"Masyado ka pang bata noon. Gusto ng Papa mong mabuhay ka ng maayos. Yung malayo sa gulo, walang problema. Gusto nilang palakihin ka ng malayo sa anumang patayan. Mahirap mabuhay ng may ala-alang kailangan mong pumatay. Papatayin ka ng konsensya mo" seryosong-seryoso siya sa mga sinasabe niya
"Pero sadyang mapag-laro ang tadhana. Biruin mo, naging gangster ka tapos na-involve ka sa car racing. Natuto kang makipag-basag ulo" napatawa pa siya
"Dahil dun nagbago ang isip ng Papa mo. Siguro nga simula ng isilang ka parte ka na ng gulong meron sila, ng pamilya mo"Tumahimik siya, ako naman ang nag-salita.
"Kaya ba tinuruan akong bumaril ni Mr. Lee?" Tumango siyaI realized something......
"Sino ka ba? Bakit alam mo ang lahat ng 'to?! Tsaka si-----" di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil iniharang niya ang kamay niya sa mukha ko
"Ehem. Ehem. Ako naman ang Magpapa-kilala sayo. Ako si Glenn Rodriguez. Anak ako ni Mike Rodriguez, ang akala mong kabit ng Mama mo. Isa akong Mafia Reaper. Ang trabaho ko ngayon ay bantayan ka. Lagi akong Naka-sunod sayo tuwing umaalis ka ng bahay niyo. Pumasok ulit ako ng highschool para mabantayan ka at dahil pag-aari ng Papa mo ang School na pinapasukan mo naging Madali lang sakin ang makapag-aral dun. Never mo akong napansin na laging naka-masid sayo. Una kitang maka-usap sa Detention Room. Hinahanap kasi kita noon tapos nabangga ko ang isang babae. Tinulungan ko siyang pulutin ang gamit niya tapos nakita kami ng boyfriend niya. Akala kung anong ginagawa ko sa girlfriend niya kaya sinuntok ako. Nakipag-suntukan naman ako tapos dinala ako ng teacher sa Detention Room. Sakto namang nandun ka. Nakausap din kita Nung graduation ball. Niyaya ko si Isa bilang date ko buti naman pumayag. Nainis pa nga ako dahil hindi mo ko isinayaw. Haha. Nung nasa Starbucks ka alam Kong napansin mo na may sumusunod sayo, ako yun. Hindi mo naman ako inintindi. Then one day nabisto mo ako. Nung nasa Mall ka, pinilipit mo pa nga ang kamay ko eh. Sinundan kita hanggang parking lot. Nakita mo naman si Daddy at yung kuya mo. Nagkita sila para pag-usapan ang kompanya niyo dito sa pilipinas. Muntik mo na silang maka-usap. Buti na lang umalis sila agad. And one more thing! Don't worry, pag magkasama kayo ni Drew di ako umeepal. Hindi ako sumusunod dahil alam kong kaya ka niyang bantayan"Ang haba ng pagpapa-kilala niya. Ngayong alam ko na ang lahat pwede ko ng sigurong kausapin ang pamilya ko at humingi ng tawad sa Mama ko. Naging masama akong anak sa kanya.
Sana maayos na lahat.
BINABASA MO ANG
What If I Change?(completed)
Teen FictionProblems. It's my everyday. Hell. It's my life. Death. It's my goal. Love. It's my weakness. Fight. It's my strength. Friends. I care. Family. Nothing. Enemy. Hobby. Suffer. Pain. Hurt. Endure. Feel. Agony. Anguish. Misery. Woe. Torture. They're my...