Date

20 0 0
                                    

Shannon

It's been Four days simula ng umalis si Ellise. Ganun pa rin ang buhay. Hindi ko na ulit nakita si kuya. Baka nga namalik-mata lang ako. Hindi na din ako sinusundan ni Rodriguez, hindi ko na nga siya nakikita eh.

Magkasama kami ni Drew ngayon. Date DAW kami. Tss. Nag-date na nga kami nung isang araw eh. Nanliligaw pa lang yan ha. Umupo na kami kasi kanina pa kami lakad ng lakad.
"Baby loves hindi mo talaga alam kung anong meron bukas?" Seriously? Pang-ilang beses na niyang itinanong sakin yan?
"Bukas ay April 25, nothing special" always ko namang sagot. Tapos maglulungkot-lungkutan siya. Okay? Ano bang meron? Bakit ayaw niya pang sabihin?
"Bakit mo ba tinatanong?"
"Never mind" sabi niya

Tumayo siya tapos hinila ako.
"Tarang bumili nun" sabi niya tapos nag-lakad kami papunta sa mga nagtitinda ng street foods. Nagningning ang mata ko. Huwaw! Ngayon lang ulit ako makaka-kain neto.
"Pabili po" Masaya Kong sabi sa nagtitinda.
"Sige kuha lang kayo" sabi naman ni manong

Kumuha ako ng stick tapos nag--umpisa na akong kumain. Fishball, kikiam, kwek-kwek, squidball, Isaw, barbecue, etc. Napa-nganga si Drew. Ngumiti ako sa kanya.
"Kain ka" sabi ko tapos binigyan siya ng stick. Kain lang kami ng Kain. Puno na ng sauce ang bibig ko. Kinuha naman ni Drew ang panyo niya tapos pinunasan ang bibig ko. Eh di siya na ang may panyo, ako na ang wala.
"Ang kalat mong kumain" sabi niya
"Ang sarap kaya" sabi ko naman

Im full. Binigyan niya ng 1,000 yung nagtitinda tapos umalis na kami. Naglakad-lakad ulit kami para matunawan. Hawak-hawak niya ang kamay ko.

"San ka papasok sa college?" Tanong niya
"Ewan ko"

Silence.

"Di na ulit tayo nakakalaban sa arena ah" sabi ko. Parang di masyadong madaldal ngayon si Drew. Ano ba talagang meron bukas?
"Oo nga, walang nanghahamon eh"

Silence again.

"Hatid na kita?" Napatingin ako sa kanya. Nung isang araw ayaw pa niya akong pauwiin kahit gabi na.
"Okay" sabi ko na lang

Tahimik lang kami sa sasakyan. Shit lang! Ano ba talagang meron bukas? Itatanong ko nga Kay Evan.
"Nag-enjoy ako" sabi niya tapos hinalikan niya ako sa noo. Gago!
"Ingat" sabi ko bago ako pumasok sa loob.

I dialled Evans number.
"Hello?"
"Evan ano bang meron bukas?"
"Ahm. April 25? Wala naman bakit?"
"Ah wala" I hanged up.

Wala naman talaga ah. Tss. Bakit kasi ayaw pa niyang sabihin eh.
Nag-shower ako tapos humiga na. Bakit di pa tumatawag ang gagong yun? Lagi niya kasi akong tinatawagan, hindi pa nga niya ako patulugin. Nag-vibrate ang  cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang nagtext. Tss. Si Evan.

Birthday pala ni Drew bukas. May regalo ka na ba?

Shit lang! Kaya pala! Bakit di sinabe ni Drew sakin? Haist. Ang lalaking yun sakit sa ulo.

Ano bang ireregalo ko sa kanya? Meron na naman siya ng lahat eh. Tss. Sapat na sigurong nandun ako. Yuck! Ang korni.

Sagutin ko na kaya siya? Ew. Ang samang pakinggan.

Humarap ako sa salamin.

"Hoy! Dahil birthday mo sasagutin na kita!" Ang rude.
"Hoy! Tayo na" parang di pinag-isipan.
"Drew, gusto din kita. Oo na" yuck! Ang laswa.
"Kahit madaldal ka, pagtitiisan ko. Tayo na" parang napipilitan.
"Boyfriend na kita" possessive pakinggan

Argh. Ano ba?!

What If I Change?(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon