Fixed

21 0 0
                                    

Shannon

Nang makabalik kami sa hospital patakbo Kong niyakap si Papa at si kuya. Umiiyak lang ako. Nasa loob pa rin ng ER si Mama. Galing pala sila sa laban. Nabaril ang Mama ko. Hindi ako mapakali.. bakit ang tagal?
"Princess upo ka muna" sabi ni Papa.. Princess, he used to call me that.
Umupo ako sa tabi niya. Nilibot ko ang paningin ko. Nakatingin sakin si Mike. Nahiya ako bigla sa pinaggagawa at pinagsasabi ko sa kanya. Hindi ko naman siguro kasalanan na magalit sa kanya. Kung sinabe lang sana nila ang totoo sa umpisa pa lang..
"S-sorry po" sabi ko Kay Mike. Ano bang dapat ko itawag sa kanya? Masyadong rude kasi pag Mike lang. Ngumiti siya sa akin.

Unti-unti nang naaayos ang lahat. Napatingin ako Kay kuya. Piningot ko ang tenga niya. Lagi ko yung ginagawa sa kanya kapag naiinis ako.
"Aray!" Sigaw niya
"Leche ka kuya! Nagawa mong pag-lihiman ang pinaka-mamahal at pinaka-maganda mong prinsesa" sabi ko na parang nagtatampo. Ngumiti naman siya.
"Kailangan eh"
"Hmp"
"Ang taray mo pa din"
"Tse!" Lagi kaming ganito. Nagaasaran.
"Nga pala may dapat tayong pag-usapan! You broke your promise!" Shit! Oo nga.
"Bakit mo alam?"
"Syempre lagi Kong inaalam ang mga nangyayari sa buhay mo kahit di mo kami kasama"

Bumalik ang ala-ala nung nag-promise ako Kay kuya.....

"Promise me that you'll not going to have a boyfriend, not until you graduated from college huh"
"I promise kuya"

Shit lang.... Big Deal?!

Napatayo kaming lahat dahil may lumabas na Doctor from ER
"Doc kamusta po ang asawa ko?" Tanong ni Papa
"She's fine now. Stable na ang condition niya. Pwede na siyang ilipat "

Nakahinga kami ng maluwag. After ilipat ni Mama ako muna ang nagbantay sa kanya para makapag-bihis sina Papa at kuya. Kailangan din nila ng pahinga. Tulog pa rin si Mama. Hawak-hawak ko ang kamay niya.

"Ma, I'm sorry. Ang sama Kong anak. Hindi ko kasi alam eh. Kinamuhian kita. Naging masama ang trato ko sayo. Ang sama-sama ng ugali ko sa inyo. Patawarin mo ko Ma. Hindi ko talaga alam. Mahal na mahal kita Ma" naiyak na ako. Gumalaw ang kamay ni Mama. Thank God, gising na siya.

"Mahal na mahal din kita anak" sabi niya pero nakapikit siya
"Pahinga ka muna Ma" sabi ko

Dumating sina Papa at sinabi Kong nag-salita na si Mama. Pinauwi muna nila ako para makapag-bihis at makakain. Kailangan ko din daw magpahinga.
Nagulat ako ng dumating ako sa bahay. Nakaupo si Drew sa harap ng gate namin. Antok na antok na. Umupo ako ng ka-level niya.
"Watcha doin' here?" Tanong ko. Bigla naman siyang Napamulat at tumitig sakin
"Baby loves?" Tss
"Anong ginagawa mo dito?"
"Eh nagalala ako sayo kasi di mo ko tine-text. Di mo rin sinasagot ang tawag ko" malamang! Lowbat ako eh
"Tss. Tara sa loob" tumayo na kami
"San ka ba galing?" Tanong niya
"Sa hospital"
"Bakit?!"
"Wag ka ngang OA diyan. Naospital kasi si Mama" natahimik naman siya. Alam niya kasing malaki ang galit ko Kay Mama. Pumasok ako sa kwarto ko, nakasunod lang siya. Swerte siya ha, siya pa lang ang nakakapasok sa kwarto ko kahit si Papa at kuya hindi pa.
"Kwarto mo to baby loves?"
"Yeah... dyan ka muna. Shower lang ako pero kung gusto mo umuwi ka na"
"Eeh, dito muna ako" I rolled my eyes. Para siyang bata.

Nadatnan ko siyang nakahiga sa Kama ko ng matapos akong mag-shower.
"Hoy! Di ka pa ba uuwi?" Tanong ko
"Dito muna ako tutulog, tabi tayo" sabi niya
"Punyeta ka!" Mabilis akong lumapit sa kanya at nakipag-wrestling.
"Napaka-manyak mo talaga!" Sabi ko habang pinipilipit ang kamay niya
"Aray! Baby loves joke lang yun" hinila naman niya ang braso ko. Napahiga ako tapos nasa ibabaw ko siya.
"Drew! Alis!" Sabi ko. Lumapit naman siya sakin. Palapit ng palapit
"Drew ano ba!"

He kissed me............









On my nose.

"Bye baby loves! dream of me. Goodnight" Napatulala ako. Umalis na siya. Sobrang init ng mukha ko.

Langya ka Drew! Akala ko sa Lips na!

What If I Change?(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon