Shannon
Naalala niyo pa ba ang taong sumusunod sakin noon? Nung nasa Starbucks ako. Leche! Sumusunod na naman. Stalker ko ba 'yun? Andito ako sa Mall dahil ayaw Kong tumigil sa bahay. Dala ko na ang baril na ibinigay sakin ni Mr. Lee, Colt M1911A1, in case of emergency. Pero iniwan ko siya sa kotse ko dahil bawal yun sa loob ng mall. Kung saan-saang boutique, stores at restaurants na 'ko nagpunta sumusunod pa din. Ano bang kailangan nito sakin?
Di ko na lang siya inintindi, di naman niya 'ko mapapatay sa Mall. Graduation na nga pala sa sa biyernes. Good to say, ayos naman ang mga nakuha Kong scores sa exam. Wala naman akong problema sa mga projects at subjects so makaka-graduate ako. Kinausap ako ni Ann nung Friday.
Flashback
Paglabas ko ng room Nakita ko si Ann na nakasandal sa wall. Parang may hinihintay. So what? Di ko siya pinansin at nag-patuloy na lang ako sa pagla-lakad. Hinabol naman niya 'ko.
"Shan" sinasabayan niya ako sa pagla-lakad. Di ako umimik.
"Sorry nga pala. Eh di ko talaga mapigilan ang dumaldal eh tsaka gusto lang naman kitang maging kaibigan" bakit? Mamamatay ka ba kapag hindi nakapag-salita?
"Tss"
"Friends na tayo ha. Pupunta ka sa Cafeteria? Pasama ako ha" I rolled my eyes
"Promise di ako magiging madaldal kapag kausap mo 'ko" ang daldal mo na nga
"Whatever" sabi ko na langEnd of Flashback
Nung nagutom ako kumain muna ako. Sinusundan niya PA din ako. Hindi ko siya kilala. Malamang! Halatang-halata naman siya eh. All black ang suot niya tapos naka-shade siya with matching cap. Tss. Malaman ko lang kung sino ka Patay ka sakin.
Sinadya Kong pumunta ng CR para tingnan kung susunod pa din siya. Nagtagal ako ng konti sa loob tapos may babaeng lumapit sakin.
"Hi I'm Mellisa" sabi niya. Di ko siya pinansin nakaharap lang ako sa salamin
"Ikaw si Two diba?" Nagulat ako sa sinabe niya. Pano niya nalaman?
"Sino ka?" Tanong ko
"Nasabi ko na diba? I'm Mellisa" she rolled her eyes
"Are you a gangster?"
"Yeah. I'm Fear, from Queen of death" Queen of death? Ah, I see. Sila ang grupo ng mga babaeng Gang na Rank 2. Maybe they are an assassin or something kasi rank 2 sila kahit puro mga babae sila.
Lumabas na 'ko kasi wala namang mangyayari sa pag-uusap namin.
"Ikamusta mo 'ko Kay Four ha" sabi ni Mellisa. Psh. Flirt.Nakita ko yung lalake na naghihintay. Di niya ko nakikita dahil nakatingin siya sa ibang direksyon. Lumapit ako sa kanya at pinilipit ang kamay niya. Napatingin yung mga babaeng galing sa may CR pero tiningnan ko lang sila ng masama
"Sino ka? Ba't mo ko sinusundan?" Tanong ko. Di siya umiimik. Tinanggal ko ang shade niya at..
"Rodriguez?" Nabitiwan ko ang braso niya
"Ouch! Ah eh, hi" nagkamot pa siya ng ulo
"Anong kailangan mo?"
"W-wala ah"
"Eh ba't sunod ka ng sunod?"
"H-hindi ah"
"Tangna! Subukan mong sundan ulit ako pasasabugin ko ang ulo mo" sabi ko bago umalis. Leche! Si Glenn lang pala yun.Sasakay na sana ako sa kotse ko ng may Nakita ako.
Si kuya Ace.
No, it can't be.
Nakakulong siya diba?Lalapitan ko na sana siya kaso umalis na siya. Mas lalo akong nagulat.
Ba't kasama niya ang lalaking yun?
Bakit kasama niya ang kabit ng magaling Kong ina?
![](https://img.wattpad.com/cover/72092169-288-k91672.jpg)
BINABASA MO ANG
What If I Change?(completed)
Teen FictionProblems. It's my everyday. Hell. It's my life. Death. It's my goal. Love. It's my weakness. Fight. It's my strength. Friends. I care. Family. Nothing. Enemy. Hobby. Suffer. Pain. Hurt. Endure. Feel. Agony. Anguish. Misery. Woe. Torture. They're my...